ni Thea Janica Teh - | July 20, 2020
Linggo ng gabi, inanunsiyo ni Candaba, Pampanga Mayor Rene Maglanque na nagpositibo siya sa COVID-19.
Sa kaniyang Facebook Post, ibinahagi nito na sumailalim siya sa swab testing noong Huwebes ng umaga matapos siyang makaranas ng ilang sintomas tulad ng lagnat, ubo at diarrhea. Natanggap niya ang resulta noong Sabado ng hapon.
Bahagi niya, “sa kabila ng mga pagsunod ko sa mga health protocols, dala ng pagtupad ko sa aking tungkulin bilang inyong alkalde, noong Lunes ng gabi nang maramdaman ko ang mga sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, pag ubo, at pagtatae ay agad akong nag self quarantine at kumunsulta sa (municipal health office) MHO, binigyan ako ng karampatang mga gamot at hanggang ngayon ay iniinom ko kahit maayos na ang pakiramdam.”
Sa ngayon ay wala na umano itong nararamdamang sintomas, ngunit pinayuhan pa rin ito ng MHO na sumailalim sa home quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Nagsasagawa na rin umano ng contact tracing sa munisipyo.
Sinabi ni Maglanque na kung sinuman ang naka-close contact niya ay agad ng mag-home quarantine at mag-report sa MHO kung nakararanas ng sintomas.
Comments