top of page
Search

Mayor Malapitan, ‘pag dedma sa panawagan ni Arch. David, baka kandidatura ibasura ng mga Katoliko

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 19, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

MGA CHINESE POGO FINANCIER DIN KAYA ANG TUMULONG KAY HARRY ROQUE SA PAGPUGA SA ‘PINAS? -- Sa Senate hearing ay sinabi ni Commissioner Joel Viado ng Bureau of Immigration (BI) na kung anong pamamaraan daw ang ginawa ng detenidong former Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagtakas noon palabas ng Pilipinas, ay ganu’n din daw ang ginawang paglabas ng bansa ni former presidential spokesman Harry Roque, na ang tinutukoy ng BI commissioner ay parehong sa backdoor dumaan ang dating mayora at ex-presidential spokesman na umexit ng ‘Pinas.


Sa imbestigasyon noon ng Senado at Kamara, lumabas na mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) financiers ang tumulong kay ex-Mayora Guo na makalabas ng Pilipinas, na kalaunan ay naaresto rin. At dahil nasasangkot naman si Roque sa POGO ni Cassandra Ong sa Porac, Pampanga, malamang mga Chinese POGO financiers din ang tumulong sa kanya na makatakas palabas ng ‘Pinas, period!


XXX


DAPAT MAGHANDA NA SI SEN. BONG GO DAHIL KAPAG NA-IMPEACH SI VP SARA, MALAMANG SIYA NA ANG MAGIGING KATAPAT NG ‘MANOK’ NI PBBM SA 2028 PRESIDENTIAL ELECTION -- Sa latest survey ng Pulse Asia ay nag-top na sa ranking si reelectionist Sen. Bong Go, pumangalawa na lang si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo. At sa survey naman ng OCTA, halos tabla ang senador at kongresista sa number 1 rank.


Sure win na talaga si Sen. Bong Go, kaya after 2025 midterm election at kung sakaling ma-impeach si Vice Pres. Sara Duterte ay dapat nang paghandaan ng senador ang pagsabak sa 2028 presidential election dahil tiyak siya na ang isisigaw ng majority Pinoy na kumandidatong presidente, pantapat sa magiging “manok” ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa halalang pampanguluhan ng ‘Pinas, abangan!


XXX


KAPAG DEDMA LANG SI MAYOR ALONG MALAPITAN SA PANAWAGAN NI ARCH. CARDINAL DAVID NA IPA-STOP ANG STL NG CHINESE FINANCIERS, BAKA IBASURA NG MGA KATOLIKO SA CALOOCAN ANG KANYANG KANDIDATURA -- Ang mga binibiktima ng mga Chinese financier sa raket nilang POGO ay mga kapwa nila Chinese sa China at mga Chinese na nasa ‘Pinas. Sa kabilang banda naman, ang mga binibiktima ng mga Chinese Small-Town Lottery (STL) financiers sa Caloocan City ay mga Pinoy na residente ng lungsod. 


Kaya kapag walang ginawang aksyon si Mayor Along Malapitan sa panawagan ng Catholic church sa pamumuno ni Archbishop Pablo Virgilio Cardinal David na mapa-stop ang STL operations sa Caloocan City ay baka ibasura ng mga Katoliko sa lungsod ang kanyang kandidatura for mayor, boom!


XXX


HIMUTOK NG MGA MILF OFFICIAL, HINDI DAPAT BALEWALAIN NI PBBM DAHIL BAKA MAGING SANHI ULI ITO NG KAGULUHAN SA MINDANAO -- Tinutulan ng mga opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagtalaga ni PBBM kay Maguindanao Del Norte Gov. Abdulraof Macacua bilang bagong Interim Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil ang nakasaad daw sa batas na ang mamumuno sa rehiyong ito ay mula sa mapipiling opisyal ng MILF, at hindi pulitiko. Bagama’t dating opisyal ng MILF si Macacua ay pulitiko na raw ito sa ngayon kasi siya na ang gobernador ng Maguindanao Del Norte kaya mali raw ang pagtalaga sa kanya ni PBBM bilang bagong Interim Chief Minister ng BARMM.


Hindi dapat balewalain ni PBBM ang himutok ng mga opisyal ng MILF, kasi kapag “nganga” lang siya sa isyung ito ay baka maging sanhi ito ng kaguluhan na naman sa Mindanao, period!



Bình luận


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page