ni Beth Gelena @Bulgary | March 12, 2024
May bulung-bulungan na tatakbo umanong Kyusi mayor si Congressman Arjo Atayde.
Sa interview ni Sylvia Sanchez, nagulat siya nang maitanong sa kanya ang bagay na ito.
Ani Ibyang (Sylvia), “Impossible ‘yun.”
Mismong sila raw mag-asawa (Art Atayde) ay hindi papayag na tumakbo si Arjo bilang mayor ng Quezon City.
Kasalukuyan kasing congressman ng 1st District of QC si Arjo.
Sey ni Sylvia, “Unang-una, ayaw 'yan ni Cong. Arjo. Matimbang kay Arjo 'yung utang na loob."
Ayon pa sa award-winning actress, “Sa kanya, ang tumulong, sa kanya, ang nagpapasok sa kanya dito ay ‘yung naging mentor niya na si Mayor Joy Belmonte. Sinabi niya talaga sa 'kin, hindi ko lalabanan si Mayor Joy Belmonte. 'Yan ang nanay ko dito."
Inamin ni Sylvia na, “Hindi po lalaban si Arjo kay Joy Belmonte. Imposible 'yun. Una, aayawan ni Arjo, pangalawa aayawan naming mag-asawa. Mahal ni Mayor Joy si Arjo.”
Nabanggit din ni Sylvia na congressman pa rin ang posisyong nais pasukin ni Arjo sa halalan 2025.
Comments