top of page
Search

Mayor at vice mayor ng Rizal, nagpositibo sa Covid-19

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 20, 2020



Parehong nagpositibo sa Covid-19 ang mayor at vice mayor ng San Mateo, Rizal ayon sa Facebook post ni Vice Mayor Paeng Diaz.


Aniya, “Kami po ni Mayor Tina ay sumailalim ng RT-PCR test noong nakaraang August 18, At ngayon pong araw na ito, natanggap po namin ang resulta na ikinalulungkot po naming ibalita sa inyo na kapwa po kami ni Mayor Tina ay nagpositibo para sa Covid-19 virus.


“Medyo banayad po lamang ang aming mga sintomas sa panahong ito. Si Mayor Tina naman po, kahit doble-doble ang kanyang pag-iingat, marahil hindi naiwasan ang tuluyang exposure dahil sa kanyang patuloy na pakikipanayam at pagtutok sa kaligtasan ng ating mga frontliners at healthworkers partikular ‘yung mga naapektuhan sa Covid-19.


“Hindi na rin n’ya maiwasan ang pagbisita sa mga lockdown areas upang masiguro na hindi napapabayaan ang ating mga mamayan na kasalukuyang dumaranas ng paghihirap mula sa pandemyang ito..”


Aniya pa, “Habang kaya po namin magpatuloy magsilbi sa aming mga tungkulin, amin po ‘yung na gagampanan. Ang aming mensahe sa lahat ng kagawaran ng LGU San Mateo, ipagpatuloy po ninyo ang laban ng ating bayan.. huwag na huwag pabayaan ang ating mga mamamayan...”

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page