top of page
Search

Maynilad at Metrobank, joint force sa paghatid ng dekalidad na serbisyo sa mga customer

BULGAR

ni Fely Ng @Bulgarific | May 26, 2024



File photo
Pumirma ang Maynilad sa Metrobank para sa P10 bilyong loan

Hello, Bulgarians! Pumirma ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa Metropolitan Bank & Trust Co. (Metrobank) para sa P10 bilyong loan para i-bankroll ang capital requirements nito ngayong taon dahil layunin nitong magbigay ng mas magandang water service coverage at availability sa mga consumer.


Bilang bahagi ng patuloy na pangako nito na mapabuti ang water management, pahusayin ang kalidad ng serbisyo, at mag-ambag sa pagbuo ng mas sustainable at resilient water utility sector, sinabi ng Maynilad na ang 10-taong loan, na magtatapos sa 2034, ay gagamitin para pondohan ang mga kinakailangan sa capital expenditure nito ngayong taon.


“With this loan, we are in a better position to pursue our capital expenditure program that will further enhance water services for our over 10.3 million customers. This supports our commitment to meet our service obligations and achieve sustainable growth,” pahayag ni Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado.


“Enabling our partners to empower Filipinos with essential resources is in line with our goal of helping communities grow. We are happy to support Maynilad through this loan deal because it is part of our commitment to ensure that every community in the country thrives,” sabi ni Metrobank Institutional Banking Sector Head Mylene Caparas.


Ang Maynilad ang pinakamalaking pribadong water concessionaire sa Pilipinas in terms of customer base. Ang MWSS para sa West Zone ng Greater Manila Area ay binubuo ng mga lungsod ng Maynila (lahat maliban sa mga bahagi ng San Andres at Sta. Ana), Quezon City (west of San Juan River, West Avenue, EDSA, Congressional, Mindanao Avenue, Makati (west of South Super Highway), Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon all in Metro Manila; ang mga lungsod ng Cavite, Bacoor at Imus, ang mga lungsod ng Cavite, Noveleta at Rosario, ay pawang nasa lalawigan ng Cavite.

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page