ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 21, 2022
Sa panayam ng Star Magic's Inside News, nabanggit ng singer-actress na si Maymay Entrata na hindi niya akalaing ang kanyang hit song na Amakabogera ay mapapansin at makakatanggap ng recognition sa ibang bansa, partikular na sa Europe.
Nagbubunyi si Maymay dahil sa nomination nito as Best Asia Act in the 2022 MTV Europe Music Awards (EMA).
Bungad ni Maymay, "'Yung goal lang namin is mabigyan ng hustisya itong kantang Amakabogera, at ma-recognize ako ng mga tao bilang isang music artist. Pero, hindi ko akalain na mare-recognize rin po siya sa ibang bansa. Kaya sobrang blessed talaga.
"Napakalaking fulfillment ito para sa sarili ko rin bilang isang music artist, kasi 'yun naman talaga ang isa sa mga goals ko, 'yung ma-recognize ako ng ibang tao, ng ating mga kapwa-Pilipino, na ako rin po ay kumakanta."
Sinabi pa ni Maymay na napaka-blessed niya at napakalaking achievement na para sa kanyang singing career ang mapansin sa ibang bansa. Kaya naman lalo pa niyang ii-improve ang pagkanta.
"Still learning pa rin po sa craft ko at siyempre, isa sa malaking fulfillment dito sa ating mga OPM artists ay at least hindi lang po ma-recognize ang mga kanta natin dito sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa at isa ako sa pinaka-blessed dahil naging parte ako nitong napakalaking achievement na ito."
Sa pagkaka-nominate kay Maymay, makakatapat niya ang pambato ng Indonesia na si Niki, ang SILVY ng Thailand, ang Japan's The Rampage from Exile Tribe at South Korea's Tomorrow x Together. Si Maymay ang tangi o nag-iisang Filipino nominee sa taong ito ng MTV EMA.
Ayon pa sa nararamdaman ni Maymay sa natanggap na international nomination, "Sobrang overwhelmed po, kasi malaking blessing po siya. 'Yung katotohanan na hindi pa nag-one year 'yung Amakabogera, tapos ganito na agad 'yung naibigay na recognition sa atin ay isang napakalaking biyaya po talaga para po sa akin. Siguro talaga, dala-dala ko ito hanggang sa pagtanda ko. Kasi, hindi ba, kapag first, hindi mo makakalimutan 'yun, tapos MTV EMA pa," pagmamalaki ni Maymay.
Aminado rin ang young singer na nakahanda na rin siyang humarap sa international stage 'pag nabigyan ng pagkakataon.
"Naniniwala ako na kapag pinaghusayan mo at pinag-aralan mo talaga at alam mong ready ka na, so opo."
Nais niyang tularan ang ilan nating OPM artists na nagkakaroon na ng career sa ibang bansa.
"Isa rin po 'yun sa magiging dream ko talaga," aniya pa.
Nakikiusap din si Maymay na huwag siyang kakaligtaang iboto ng kanyang mga fans dahil ayon sa MTV EMA, fans can vote for their favorite artists until November 9.
The 2022 MTV awards ceremony will be held in Dusseldorf, Germany on November 13 with live broadcast across 170 countries on MTV channels.
Comments