top of page
Search
BULGAR

May wedding venue na raw… KRIS, IKAKASAL NA, FAKE NEWS!

ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 6, 2024



Showbiz News

Mabuti naman at nilinaw agad ni Kris Aquino na "fake news" ang kumakalat sa social media na diumano'y magpapakasal na siya sa kanyang physician boyfriend at may venue na nga raw ang kanilang intimate wedding.


Sa pamamagitan ng good friend ni Kris na kasamahan namin sa panulat na si Dindo Balares, nagbigay ng pahayag at paglilinaw ang mommy nina Joshua at Bimby na walang katotohanan na ikakasal na siya at intimate outdoor garden wedding ang magaganap.


Sa Facebook account ni Dindo, inilabas niya ang mensahe sa kanya ni Kris nang itanong niya rito kung may katotohanan nga ba ang kumakalat na balita sa TV host.


Mensahe ni Kris kay Dindo, "Kuya Dindo, the best answer to that fake news is how can your panganay who has adult onset asthma and has publicly admitted to having Chronic

Spontaneous Urticaria and is currently undergoing treatment that makes her extra sensitive to direct sun exposure and as you yourself know sobrang allergic ako sa mga dahon ng puno (trigger ng allergic rhinitis and asthma for me) especially grass as in damuhan - does it make sense na pipili ako ng outdoor venue? Na punung-puno ng halaman? Hindi lang ako ang may asthma, si Bimb also has asthma. 


"Kuya Dindo, kung totoong kilala ako nu'ng nag-scoop nito, alam niya dapat 'yung alam na alam mo -- hindi friend ng respiratory system ko ang mga puno at lalo na ang grass, kahit nga astroturf bawal because maraming alikabok na puwedeng ma-collect. 


"Dapat maniwala lang sila kung ikaw or si Pareng Ogie (Diaz) ang mag-“giveaway” na blind item."


Ayun na! Kaya ingat-ingat din sa mga nababasa natin sa social media na hindi lahat ay tama.


 

“TINUTULUNGAN MO NOON, SINISIRAAN KA NA NGAYON!” — JULIA


Julia Montes

May cryptic post si Julia Montes sa kanyang Instagram account. Tungkol ito sa isang taong natulungan niya noon at ngayon ay bina-back fight siya.


Ang cryptic message ni Julia alongside the quote card ay naging usap-usapan sa social media platforms.


“Oo, ikaw, alam mo kung sino ka,” ani ng aktres.


Dagdag niya, “‘Wag post ng post. Mga tao talaga (peace sign).”


“Tinutulungan mo noon, sinisiraan ka na ngayon. Saklap ‘di ba!” aniya na viral ngayon.

Walang tinukoy na pangalan ang aktres. Minsan lang kung magsalita si Julia dahil kilala siyang mabait na tao at malawak ang pasensiya.


Siguro, napuno na rin kaya idinaan sa cryptic message ang galit niya, kung sinumang nilalang ito.


Palaisipan din kung isa rin ba itong celebrity tulad niya o isang taong pinagkakatiwalaan niya.


 

MARAMI ang nagsa-suggest kay Gerald Anderson na pumasok sa pulitika.

Pero ayon sa actor, wala siyang plano na makihalo sa mundo ng politics. Masaya na raw siyang nakakatulong sa mga taong nangangailangan. 


This was despite the fame that he received during Typhoon Carina.


Ayon pa sa Kapamilya actor, he was able to use his platform in helping others.


Aniya, “I’m just happy to be in a position where I can also help. Nagagamit ko naman ‘yung platform ko, eh. May mga kaibigan ako in politics, I know it’s very hard, napakahirap nu’n, and I wouldn’t jump into something na ‘di ako handa or ‘di ko pinag-aralan because people’s lives are at stake.”


Sabagay, ang pagtulong ng actor sa kanyang kapwa ay para na rin siyang public servant, lalo pa’t ang ginagawa niya’y makapagligtas ng buhay ng kapwa.


Kumbaga, buwis-buhay ang kanyang ipinupuhunan para makapagsilbi sa kanyang kapwa Pilipino.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page