pang magpagaling ng sugat.
ni Sir Govinda Jeremaya - @Halamang Gamot | October 25, 2020
Ang pineapple o pinya.
Bata o matanda, dalaga o binata, lahat ng klase ng tao at kahit ano ang trabaho o walang trabaho, lahat ay nakakikilala sa pinya.
Sobrang sikat ng pinya dahil bukod sa masarap kainin, masarap ding gawing juice at ngayon, ito ay ginagamit ding sangkap sa lutuin dahil ito rin ay nagpapasarap ng ulam.
Ang pinya ay punumpuno ng nutrients, antioxidants at iba pang beneficial compounds tulad ng enzymes na panlaban sa maraming karamdaman.
Ito ay nagpapaganda ng kalusugan, tumutulong sa pagtunaw ng kinain at nagpapalakas din ng immune system at napabibilis ang paggaling ng sugat mula sa opera.
Ang pinya ay may mababang calories, pero may sangkatutak na sustansiya. Ang isang tasang pineapple ay may mga sumusunod na nutrients:
Calories: 82.5
Fat: 1.7 g
Protein: 1 g
Carbs: 21.6 g
Fiber: 2.3 g
Vitamin C: 131% of the RDI (reference daily intake)
Manganese: 76% of the RDI
Vitamin B6: 9% of the RDI
Copper: 9% of the RDI
Thiamin: 9% of the RDI
Folate: 7% of the RDI
Potassium: 5% of the RDI
Magnesium: 5% of the RDI
Niacin: 4% of the RDI
Pantothenic acid: 4% of the RDI
Riboflavin: 3% of the RDI
Iron: 3% of the RDI
Gayunman, narito ang iba pang benepisyo ng pinya:
Ang pinya ay friendly to the heart, kaya ito ang paboritong inumin ng mga may sakit sa puso.
Kakaibang lakas na nagbabalik ng resistensiya ang pagkain ng pinya. Kaya ang mga galing sa sakit, kaoopera lang at nagpapalakas ng katawan, pinya ang numero-unong inirerekomenda.
Kayang-kaya rin at mabilis na naibaba ng pinya ang high blood pressure.
Maraming may cancer ang nagpatunay na sila ay napagaling ng pag-inom ng pineapple juice. Gayunman, patuloy pang pinag-aaralan ng mga dalubhasa ang kakayahan ng pinya bilang cancer-fighting food.
Sa kasalukuyan, ang pinya ay sumisikat sa mga may rayuma dahil mahimalang nawawala ang rayuma na nagpapahirap sa kanila. Ito ang mga personal na patotoo ng mga pinahihirapan ng rayuma.
Gayundin, ang pinya ay pinaniniwalaang super food dahil sa napakaraming karamdaman na kaya nitong lunasan.
Saan ka pa, eh ‘di sa pinya ka na. Bakit susubok ka pa ng iba? May sakit ka man o wala, ang pineapple ay maganda para sa iyo.
Good luck!
תגובות