ni Julie Bonifacio - @Winner | August 26, 2022
Sad to say, hindi pa rin okay ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.
Mismong si Claudine ang nagtsika nito sa aming eksklusibong interview sa kanya sa opening ng Cafè Saranggola Resto sa Tagaytay.
Ang kaibigan ni Claudine at ex-wife ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus ang isa sa mga may-ari ng Cafè Saranggola. In fairness, ang sarap ng food at drinks sa Cafè Saranggola, ha? Bukod doon, ang ganda ng location at madaling makita ang resto.
Si Claudine ang special guest at nag-cut ng ribbon nu’ng opening. Dumating si Claudine sakay ng malaki at bago niyang van kasama ang kanyang apat na tsikiting na sina Sabina, Santino, Quia at ang sweet na si Noah.
So, ‘yun nga, nu’ng kumustahin namin si Claudine at ang estranged hubby niyang si Raymart, ang daming ini-reveal ni Optimum Queen.
"Hindi pa rin kami okey lalo na ngayon, nag-i-start na kami sa annulment," lahad ni Claudine.
Imagine, since 2013 pa sila naghiwalay, but until now, hindi pa rin sila nagkakaayos. At ngayon pa lang magsisimulang iproseso ang annulment case ng kanilang kasal na nangyari noong 2004.
"Oo, ngayon pa lang kami mag-i-start sa annulment. Meron kaming hindi napagkakasunduan. So, parang back to square one na naman kami. Ayun,” sabi sa amin ni Claudine.
Hugot pa niya, "'Yung parang kung kailan tahimik, heto na naman. Ayaw na namang tumigil.”
Nu’ng kausap namin siya sa Cafè Saranggola, hindi pa raw nagkakaroon ng hearing para sa annulment case nila ni Raymart.
"Hindi pa naman. Eto pa lang 'yung sasagot pa lang," sey ni Claudine.
Si Raymart daw ang nag-file ng case sa korte.
"Siya na ang pinag-file ko. Alangan namang ako pa rin ang gumastos pagkatapos ng lahat ng nakuha niya. Dyusko! Hahaha!
"Siya ang gumastos, 'di ba? Siya ang may kailangan, siya ang gumastos,” diin niya.
Si Raymart ang may kailangan ng annulment? May pinaghahandaan na ang kanyang ex-hubby?
"Maybe… Siguro," ngiti niya.
Lawyers pa lang daw nila ang nagkikita at nagkakausap, sabi ni Clau sa amin.
Tanong pa namin kay Claudine, “Wala bang way para magkasundo na kayo ni Raymart alang-alang na rin sa mga anak n'yong sina Sabina at Santino?”
Tugon niya, "Alam mo, tinry ko na, pero hindi effective, eh. So, bahala na siya.”
Comments