ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 05, 2021
Naku, ha? Kung wala palang Rayver Cruz sa buhay ngayon ni Janine Gutierrez, hindi kaya si Pasig Mayor Vico Sotto ang bet ng mudrakels ni Janine na si Lotlot de Leon para maging BF ng kanyang pretty daughter?
'Kaaliw ang post ni Lotlot sa kanyang IG account na throwback photo nina Janine at Mayor Vico nu'ng mga chikiting pa sila.
Sa picture, makikitang magkatabing nakatayo sa stage sina Mayor Vico at Janine kasama ang iba pang bata.
Caption ni Lotlot sa kanyang post, "Kay bilis ng panahon.. ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng pasig. (heart emoji) Janine and Mayor Vico.
"Both meant to be great in their chosen careers! Napakasarap alalahanin at tignan!
Nakaka-proud talaga! (heart emoji) Hi babe! @janinegutierrez."
Nag-comment ng laughing emojis si Mayor Vico sa post ni Lotlot na sinagot naman ng nanay ni Janine ng "@vicosotto Mayor, proud of you!"
Sumagot uli si Mayor Vico ng "Thank you Tita @ms.lotlotdeleon! Last appearance ko po bilang artista 'yung play na 'to (laughing emoji)."
Iisa naman ang naging comment nina Janine, Rayver at maging ng mom ni Mayor Vico na si Ms. Coney Reyes --- pare-parehong natawa sa pa-throwback photo ni Balotsky!
Well, sayang, mas mabilis si Rayver kesa kay Mayor Vico, eh! Hehe!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Speaking of Mayor Vico Sotto, kung sikat na sikat ngayon ang kanyang pangalan dahil sa maganda niyang performance sa Pasig, ang kanyang daddy naman na si Bossing Vic Sotto, bagama't ilang dekada na sa showbiz industry ay nakakabilib na one of the most in demand at trusted pa ring endorser.
Imagine, taong 2014 pa pala nang unang kunin bilang brand ambassador ng Hanabishi si Bossing Vic, pero hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya ng trusted appliance company.
Samantala, ang partnership naman ng Hanabishi at ng Eat... Bulaga! kung saan isa sa mga main hosts si Bossing Vic ay tumagal na pala ng isang dekada.
Pareho ang advocacy ng EB! at Hanabishi --- ang maghatid ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan, kaya naman 10 taon na silang magkaakibat.
"Nagsimula ang pakikipag-alyansa namin sa Eat... Bulaga! dahil naniniwala kami sa kanilang layuning makatulong bukod sa magpasaya. Sa Sugod Bahay segment nila, mas marami ang naabot ng kanilang programa. Karangalan namin na makatuwang sila sa pagbibigay ng mga papremyo lalo na ru'n sa nasa kanilang mga tahanan," ayon kay Hanabishi Appliances Marketing Consultant Ronwaldo Villanueva.
Nang tumagal, naging bahagi rin ang Hanabishi sa "Classroom ni Juan" ng EB! na naglalayong suportahan ang mga maralitang paaralan sa buong bansa.
Sa kampanyang ito, ang buong komunidad ay inengganyong mag-donate ng recyclable materials tulad ng plastic water bottles kung saan ang nalikom na pondo sa pagbebenta ay ginamit para pambili ng desks o mga upuan sa silid-eskuwelahan.
"Sa parte ng Hanabishi, naging partner namin ang Eat Bulaga! dahil ang kumpanya ang nag-donate ng ceiling fans, wall fans at water dispensers sa beneficiary schools," lahad ni Villanueva.
Nang magsimula naman ang pandemya, kabalikat ang Hanabishi ng Eat... Bulaga! sa pagsusumikap nitong tulungan ang mga frontliners sa pamamagitan ng pagkakaloob ng electric fans at washing machines sa mga piling ospital sa kalakhang Maynila.
Naging matagumpay din ang "Praktikal na Nanay" campaign nito na inilunsad 25 yrs. ago.
Kamakailan lang ay nagdiwang ang Hanabishi ng 35th anniversary.
"Mahigit na isang dekada na kami ng Eat Bulaga! at masasabi kong milestone ang pakikipag-alyansa namin sa kanila.We're also looking forward to more fruitful years of partnership with them," ayon pa kay Villanueva.
Ang Hanabishi at Eat... Bulaga! ay nagkakaisa sa kanilang misyon at bisyon na abutin ang bawat sambahayan saanmang panig ng Pilipinas.
Comments