ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 16, 2024
Inamin nina Stell at Pablo ng SB19 na sumailalim talaga sila sa surgical enhancement na matagal na ngang ini-issue sa kanila.
Naging guest ang dalawa sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nitong nakaraang Friday at natanong sila tungkol dito.
“Did you have surgical enhancement?” diretsong tanong ng host na si Boy Abunda.
Mabilis ang naging sagot ni Stell na noon pa nababalitang nagpa-enhance ng ilong, “Yeah, yeah, yeah.
“Even my friends po, when they ask me, parang ‘Uy, nagpaano ka ba talaga?’ Sinasabi ko, ‘Oo,’ sabi ko, ‘Hindi ba obvious?’
“Sinasagot ko, ‘Pag sinabi ko bang no, maniniwala ka? ‘Di ba hindi ka rin naman maniniwala?’ So, sinasabi ko po. Kasi I think, wala namang mali.
“Kasi, I’m sure, ‘pag tinanong ko ‘yung friend ko, sasabihin n’ya, ‘Ay ‘pag may pera ako, ipapagawa ko rin ‘yan.’ Ganu’n lang po ngayon, eh.”
Sabi naman ni Pablo, dati raw ay napag-usapan na rin nila iyan sa grupo at ang sabi raw niya noon ay hindi pumasok sa isip niya ang magpa-enhance.
“Pero ‘di ko na lang namalayan one day, nagpapa-filler na ako rito (sabay turo sa ilong),” natatawang sabi ng leader ng SB19.
Pag-amin pa niya, “Sabi ko, ‘Nakaka-boost pala talaga s’ya ng confidence.’”
Katwiran pa ni Stell, “Saka, if you have the means, why not? ‘Di naman hinihingi ‘yun. Pinagtatrabahuhan.”
Samantala, sina Stell at Pablo ang celebrity guests para sa bagong season ng The Voice Kids Philippines (TVKP) na magsisimula na sa GMA Network.
DUMAGSA ang suporta ng mga fans at netizens kay Ken Chan matapos itong mag-post ng short but touching message patungkol sa kanyang pag-aaring restaurant. Nag-post ang aktor ng larawan niya sa Café Claus, ang restaurant na binuksan niya noong 2021.
“We fought for you, we believed in you..Thank you Café Claus (heart emoji),” ang caption ni Ken.
Hindi pa malinaw kung ito ba ang sagot ng aktor sa mga lumalabas na tsismis na diumano’y may kaso siyang kinakaharap ngayon dahil sa kanyang restaurant.
Noong nakaraang linggo pa nga usap-usapan ang tsikang nagtatago umano si Ken sa ibang bansa dahil idinemanda siya ng kanyang kasosyo sa restaurant.
Sa vlog naman ni Ogie Diaz ay ibinalita niya kamakailan na ayon sa kanyang source ay nalulugi raw ang restaurant at hinihingi raw ng kasosyo ang kanyang share ngunit hindi umano maibigay ng aktor.
Wala pang pahayag si Ken sa issue subalit batay sa kanyang post na ito ay tila may pinagdaraanan siyang problema sa kanyang restaurant.
Samantala, sa comment section ay nagbigay naman ng words of encouragement ang kanyang mga kaibigan at supporters.
Sey ng mga nagmamahal sa aktor:
“Mahigpit na yakap Kuya @akosikenchan God is with you (praying emoji),” ang pahayag ng host/comedian na si Ahwel Paz.
“Hello Ken, nice to see you again (heart emoji) sending hugs for you,” saad naman ng isang supporter.
“Take all the time you need. We will be here always, whenever you are ready to return! (praying emoji),” mensahe naman ng isa niyang fan.
“We're all praying for you Doc. kahit anong issue, we are here for you,” sey naman ng isa pa.
Comments