ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biyahero na nagpapakita ng pekeng negative COVID-19 test result lalo na sa mga tourist spots sa bansa.
Sa public address ni P-Duterte, inatasan niya ang Philippine National Police (PNP), Department of Tourism at mga local government units (LGUs) na arestuhin ang sinumang mamemeke ng COVID test result.
Saad ni P-Duterte, "'Wag ho ninyong gawin 'yan at makokompromiso kayo. Pati 'yung gastos ninyo. Kindly check twice over where you have genuine certificate.
"Arrest those presenting fake tests and enforce strict compliance of protocols of local tourist.”
Samantala, una nang sinabi ng PNP na ang sinumang mahuhuling namemeke ng COVID-19 test result ay pagmumultahin ng aabot sa P50,000 at pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.
Komentar