top of page
Search

May pasabog daw sila ng batang GF… MARRIAGE PROPOSAL NI MARK KAY AIRA, INAABANGAN NA SA FEB. 12

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 7, 2025




Ang OA ng ibang netizens, cringy o awkward daw ang 20 years age gap nina Batangas Vice-Governor Mark Leviste who is 47 years old at ng GF niyang si Aira Lopez who is 27 years old. Ibig daw sabihin, 21 years old na si Mark noong one year old si Aira.


Sus, may mga couples nga na mas malaki pa ang age gap, pero masaya sila sa piling ng isa’t isa. Kung ang family nga ni Aira, tanggap ang relasyon ng anak kay Mark, sino tayo para manghusga? Saka, kita naman na happy ang dalawa at bongga tiyak ang celebration nila sa kanilang first Valentine’s Day ever.


Samantala, may pre-Valentine’s Day event ang magdyowa. In-announce ito ni Mark sa Facebook (FB) at marami agad ang nag-comment. 


Sabi ni Mark, “Kung ikaw ang tatanungin, ano’ng gusto mong matanggap sa Valentine’s Day? Samahan n’yo kami ni Ms. Aira Lopez, dahil may sorpresang hatid kami sa February 12, 2025.

Abangan sa 02. 12. 25 Facebook Live 7PM.”


Nabasa naman siguro ni Mark ang feedback sa announcement niyang ito, na karamihan ay galing sa mga constituents niya sa Batangas. 


Food, financial assistance at medicine ang sagot sa kanyang tanong. Iilan lang ang sumagot na gusto nilang makatanggap ng flowers sa Valentine’s Day.


Abangan natin kung ano ang Valentine’s Day gift ni Mark Leviste kay Aira Lopez o baka naman may proposal na magaganap?


 

War daw dahil sa dating stylist na nasa co-actress na ngayon… SOFIA, TINAKPAN ANG MUKHA NI MAX SA PHOTO NILA SA MAGAZINE





Sa isyu nina Max Collins at Sofia Andres, marami ang mas kampi sa una dahil wala nga naman siyang alam sa isyu ng huli at ng former stylist nito who is working with Max now. 


Wala nga namang kinalaman si Max kung may conflict man si Sofia sa dating stylist na si Max na ang kliyente ngayon.


Bakit daw hindi ang former stylist ang inaaway ni Sofia at hindi rin kasalanan ni Max kung siya ang favorite ng former stylist ni Sofia. Hindi rin kasalanan ni Sofia kung kay

Max ibinigay ng stylist ang mga PR gifts. 


But for sure, hindi lang ito ang isyu kina Sofia at sa former stylist niya, meron pang mas malalim na hindi natin alam.


Ang latest, dinelete na raw ni Sofia ang isang post kung saan tinakpan niya ang face ni Max na magkakasama sila sa isang magazine page. Pero sa Instagram (IG) Story ni Max kung saan ipinost niya ang same photo ay walang takip ang face ni Sofia.


Ang feeling ng mga netizens, nabasa ni Sofia ang mga comments patungkol sa kanya and so far, walang natuwa sa ginawa niya. Very childish daw at dapat, hindi nag-aaway-away ang mga fashionista. May tumawag nga sa kanyang ‘The Heart vs. Pia version 2.0’.


Si Max pala ay nasa New York City ngayon para sa isang event for Dior dahil sa post niyang “Off to NYC we go,” na may hashtag na #DiorDJourney.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page