ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | September 24, 2023
KATANUNGAN
May mabigat akong problema ngayon dahil nabuntis ang aking girlfriend, gayung nag-withdrawal naman kami noong huli kaming nagtalik. Medyo may pagka-flirt ang girlfriend ko dahil bukod sa akin, nag-e-entertain pa siya ng ibang manliligaw, kaya iniisip ko na baka hindi sa akin ‘yung baby na dinadala niya. Pero, ‘pag binibilang ko naman mula nang araw na nagtalik kami, eksakto ‘yung pagbubuntis niya.
Maestro, sa palagay mo, ako nga ba ang ama ng nasabing baby at kami na ang magkakatuluyan kahit na ‘di pa ako sigurado na siya na ang mapapangasawa ko?
Sa totoo lang kasi, Maestro, hindi naman siya ang tipo ng babae na gusto kong mapangasawa at makasama habambuhay.
KASAGUTAN
Dapat hindi ka na nakipagtalik sa girlfriend mo kung hindi ka pa pala sigurado na siya na ang gusto mong pakasalan. Pero, wala na tayong magagawa dahil nand’yan na ‘yan, kaya ang pinakamabuti mong magagawa ngayon ay ang paghandaan ang pagiging ama mo sa malapit na hinaharap at siyempre, nangangahulugan din ito na magkakaroon ka na ng sariling pamilya.
Samantala, ganito naman ang nais sabihin ng guhit ng iyong palad kung saan ang kasalukuyan mong girlfriend ang iyong makakatuluyan. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tulad ng nabanggit na, dahil iisa lang ang Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ang girlfriend mo na ngang ito ang nakatakda mong makatuluyan at makasama sa pagbuo ng isang simple pero masayang pamilya habambuhay.
Ang pag-aanalisang kahit hindi mo masyadong gusto ang girlfriend mo ay magiging masaya rin naman ang inyong relasyon ay madali namang kinumpirma ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h) na dumila at ganap na tumuntong sa Mount of Jupiter, (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagsasabing sa iyong pag-aasawa, may pangako pa rin ng masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
DAPAT GAWIN
Aldrin, huwag mo nang paghinalaan ang girlfriend mo dahil anuman ang maging resulta ng pagdadalawang-isip mo sa kasalukuyan. Sa bandang huli, wala ka ring magagawa sa itinakda ng kapalaran. Ang sinasabi mong hindi mo siya masyadong mahal, mas mamahalin mo siya sa sandaling isilang niya na ang panganay n’yong anak, at tunay ngang ayon sa iyong mga datos, walang duda na kayo ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng simple, pero maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Commentaires