ni Nitz Miralles @Bida | Dec. 14, 2024
May pa-thanksgiving party ang Star Cinema at GMA Pictures dahil sa billion peso success ng Hello, Love, Again (HLA).
Inaabangan ng mga fans kung ia-announce na ang total gross ng movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards kasama ang worldwide gross.
May mga hula kung magkano na ang kinita ng movie na hindi pa masasabing final dahil showing pa ito hanggang December 24. Baka nga ibalik ang showing ng movie after ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Isa sa mga ikinatuwa ng mga fans sa thanksgiving party, magkikita raw uli sina Kathryn at Alden na nami-miss lalo na ng KathDen fans. Wala raw paramdam ang dalawa mula nang bumalik sila from Dubai. Wala raw silang ayuda mula sa dalawa.
May KathDen fans din na kinabahan dahil sa isyung nagkita sina Kathryn at Daniel sa Smart Araneta Coliseum sa Christmas Special ng ABS-CBN.
Sa report ni Ogie Diaz, nagkulong sa dressing room ni Kathryn ang mag-ex para makapag-usap uli at may dala pang flowers si Daniel para sa aktres.
Napansin naming dinedma ng mga solid fans ni Daniel ang balitang ito at ang solid fans naman ni Kathryn, maghihintay pa raw ng iba pang detalye bago mag-comment.
Actually, walang masama na nagkita sina Kathryn at Daniel at mangyayari talaga ito dahil pareho silang Kapamilya. Ang isyung balikan daw ng dalawa ang marami ang nakaabang kung mangyayari nga ba.
Sisirain daw ‘pag nag-away sila…
SHARON, TUWANG-TUWA SA SINGSING NA BIGAY NI GABBY
Kinilig ang mga fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion dahil suot ni Mega ang friendship ring na bigay ni Gabby sa isa sa mga shows nila sa US at Canada.
Sey ni Sharon sa interview ni MJ Felipe sa ABS-CBN, “It’s just a ring. Sabi niya, it’s a friendship ring. That’s why I will hold him to this friendship. Dapat walang maging problema ang mga darating naming projects... ‘Pag ‘di natuloy, sisirain ko ito,” pabirong pagbabanta ni Sharon.
Ayon kay Sharon, matagal nang suot ni Gabby ang ring na ibinigay sa kanya. Very precious ito sa kanya dahil ang dami nilang pinagdaanan bago sila umabot sa sitwasyon ngayon na naging friends at naging closer pa sila.
Nakakatuwa ang mga fans, may mga nag-volunteer na sasamahan nila si Sharon na sirain ang friendship ring na bigay ni Gabby kapag nagkaroon ng problema ang mga projects nila. Kasama rito ang concert, and hopefully, matuloy na ang reunion movie ng ShaGab.
Co-producer sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ng Green Bones (GB) under their Brightburn Entertainment Productions.
Kuwento ni Dennis, hindi dumalaw sa shooting nila si Jennylyn kahit puwede naman. Sa mga meetings with GMA Pictures and GMA Public Affairs executive ito um-attend.
Hindi rin sinabi ni Dennis kung magkano ang share nila in producing the movie na magastos, ayon kay Ms. Nessa Valdellon. Ang sabi lang ng aktor, masaya sila ni Jennylyn sa kinalabasan ng first co-production nila at may mga susunod na silang projects na collaboration pa rin.
Magastos ang pelikula ni Director Zig Dulay dahil marami ang locations at may ginawang isla na ginamit na parang penal colony. Plus, ginastusan ang cinematography at mapapanood ito sa pelikula na showing na simula December 25.
Samantala, sa interview ni Nelson Canlas kay Jennylyn, tinuldukan na nito ang isyung lilipat siya sa ABS-CBN. Kaya lang daw hindi niya masagot ang mga tanong dati dahil under negotiation ang kanyang kontrata.
“Ang sakit ng mga comments na wala akong utang na loob, sa GMA raw ako nagsimula at kung anu-ano pang comment. Gusto ko sanang sabihing hindi ako ganu’n. Ayokong mag-comment, pero nasasaktan ako.
“Hindi ko iiwan ang GMA, kung alam lang ng tao ang mga pag-uusap na naganap,” wika ni Jennylyn.
Si Dennis daw ang taga-kalma sa kanya kapag naaapektuhan na siya sa bashings.
Pero sa sinabi nitong “Wala kaming offer na inoohan,” ibig sabihin, may offer, bagay na hindi na sinagot ng actress-producer.
Comments