ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 13, 2020
![](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_824bc08926d14034920bd3d814fe0c1d~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2fdd27_824bc08926d14034920bd3d814fe0c1d~mv2.jpg)
Maraming nagulat sa biglang post ni Angeline Quinto nu’ng Setyembre 10 (Huwebes) sa ganap na 3:33 PM na humihingi siya ng panalangin para sa adoptive lola niyang si Mama Bob.
Post ni Angeline sa kanyang FB page, “Gusto kong kumatok sa mga puso n'yo, tulungan n'yo po akong ipagdasal ang Mama Bob ko. Kailangan na kailangan po namin ng tulong n'yo sa pagdarasal. Nakikiusap po ako, isama n'yo po ang Mama Bob ko sa mga panalangin n'yo.”
At nitong Biyernes ay muling nag-post ang mang-aawit, “Ito ang pinakamatinding pagsubok sa buhay ko. Hindi mo ako kahit kailan binigyan ng pagsubok na hindi ko kaya. Ama, buong-buo ang tiwala at pananalig ko sa 'yo. ‘Wag mong pabayaan ang taong pinakamahal ko, Ama. Please pray for Mama Bob.”
Ilang beses kaming nagpadala ng mensahe kay Angeline pero hindi kami nasasagot at naiintindihan namin 'yun dahil malamang na ngarag siya.
Ang kuwento ng pareho naming kaibigan ay, “Papasok na ng OR si Mama Bob, please help pray for safe operation, may namuong blood sa brain due to stroke, nanghihingi ng prayer si Angeline.”
Bigla raw nahilo si Mama Bob nitong Miyerkules habang papunta sila ni Angeline sa Tagaytay para mamili ng baka.
Ang kuwento sa amin, “On the way sila kasi ni Angge last Wednesday sa Tagaytay dahil naglambing si Mama Bob na mag-breakfast du’n at mamili sa palengke ng beef. Nasa bandang Sta. Rosa pa lang sila, nahilo si Mama Bob at sumuka. Tapos, namanhid na left side ata ng body.
“Isinugod nila sa Sta. Rosa hospital, mild stroke nga raw then inilipat agad sa may Lourdes (Hospital) kasi du’n ‘yung doktor n’ya and nakita nga yesterday na may blood clot sa brain, so need ng operation.”
At ang update sa amin, habang isinusulat namin ang balitang ito ay tatlong araw daw tulog si Mama Bob at sa Martes ang ikatlong araw na kailangang magising na.
Mula sa pahayagang Bulgar ay hangad namin ang agarang paggaling ni Mama Bob.
Comments