Pagturok ng AstraZeneca vaccine, ipinatigil sa Thailand, Denmark, Norway at Iceland
ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 12, 2021
Itinigil ang paggamit ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Thailand, ayon sa health official matapos isuspinde ng ilang bansa sa Europe ang pagturok nito dahil sa naiulat na pagkakaroon ng “blood clot” o pamumuo ng dugo.
Pahayag ni Piyasakol Sakolsatayadorn, adviser ng COVID-19 vaccine committee ng naturang bansa, "Vaccine injection for Thais must be safe, we do not have to be in a hurry.
"Though the quality of AstraZeneca is good, some countries have asked for a delay. We will delay (as well)."
Kabilang sa mga bansang nagpatigil ng paggamit ng AstraZeneca ay ang Denmark, Norway at Iceland.
Inihinto rin ang paggamit nito sa Austria noong Linggo matapos mamatay ang isang nurse dahil sa umano'y "severe blood coagulation problems" ilang araw pagkatapos maturukan ng naturang bakuna.
Samantala, wala pang kasiguraduhan kung isa sa side effects ng nasabing bakuna ang pagkakaroon ng blood clots.
Saad naman ng virologist na si Yong Poovarawan, "We are waiting for Denmark and Austria to make a conclusion. We are delaying to let others prove (the side effects) of whether or not it is because of the vaccine or if it is only on that specific batch."
Comments