ni Julie Bonifacio - @Winner | August 26, 2020
Ibinulgar ng singer na si Ice Seguerra ang pinagdaraanang depresyon sa gitna ng covid-19 pandemic sa eksklusibong panayam namin sa kanya ni Ateng Janice Navida sa online show sa Bulgar's Facebook page, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na last Saturday, 11 AM.
"Actually, that’s the thing with depression, sometimes there’s no trigger," lahad ni Ice.
Kung titingnan daw kasi ang buhay niya, everything's perfect. At kahit wala raw siyang trabaho, nakakakain naman daw sila at may naiinom na gamot ang kanyang amang maysakit na si Daddy Dick.
"Pero, sometimes, it will strike you. And, ‘yung sa akin kasi, chemical ano siya, eh, hindi basta emotions lang. Kumbaga, the emotions are the symptoms that there is something wrong with my brain. Gets? So, hindi siya ‘yung, ‘Oh, I’m sad.' If I don’t take my meds, I’ll be... walang feeling. As in, withdrawn and 'yun. That’s how I am. So, I have to take my meds to be okay."
May chemical imbalance raw sa kanyang brain na hindi nagpo-produce ng sapat na serotonin. Hindi raw nagko-communicate nang mabuti ang mga "electrical wirings" sa brain niya dahil dito.
Just imagine Ice na alam naman ng marami na pagkanta ang passion, pero kapag depressed daw siya, wala siyang ka-drive-drive na kumanta.
"It pulls you really down," malungkot niyang sabi. "Alam ‘yan ni Liza (Diño, ang kanyang asawa at chairperson ng Film Development Council of the Philippines) kapag nasa kama ako, tulog lang ako. Ayun."
Bukod sa meds na tine-take niya para mawala ang kanyang depression, nakikipag-usap daw siya sa mga kaibigan. Madalas daw kasi, kapag umaatake ang depresyon niya, ang tendency ay lalong ayaw niyang makipag-usap sa mga tao. Except, of course, sa kanyang "misis" na si Chair Liza.
"Asawa ko ‘yun, eh, exempted siya. May rapid pass ‘yan. Hahaha!" sabi niya.
Medyo aware na raw si Chair Liza kapag inaatake siya ng depression kaya hinahayaan lang siya nito at 'di pinipilit kung ayaw niyang makipag-usap.
"Oo, kasi, that’s the worst thing that you can do to someone who is depressed, pilitin mong magsalita, pilitin mong umalis siya ru'n sa state na 'yun, ‘coz we can’t. Alam mo 'yun?
"'Yung sinasabi nila, 'Ano ba 'yan? It's all in the mind,' hindi siya ganu'n lang, eh. If it's just like we can just snap-out easily, I don’t want to be in that position. I don’t want to be in that position that sometimes I don't want to sing, 'yung parang ang dami mong gustong gawin but you just don't have the energy to do it."
But so far, thankful si Ice that his meds are working.
"He’s (doctor niya) actually happy with me right now in terms of ‘yung kondisyon ko ngayon. Mas better ako.
"Tinataasan lang 'yung dosage ng anti-depression ko and anti-anxiety pills. And ‘yun nga, this whole journey is helping me because it’s all about you know, being mindful, focus, about being good and uhm, teaching me how to breath properly. It helps my anxiety. So, 'yun."
Pero kahit daw may meds siya, kapag may nag-trigger, puwede pa ring sumumpong ang kanyang depression.
Inamin din niyang year 2003 pa ay nag-consult na siya sa doktor dahil sa kondisyon niyang ito.
Sabi pa ni Ice, nag-a-undergo rin siya ng counseling. Inaalam daw ng doktor niya kung saan nanggagaling ang depression niya bukod sa chemical imbalance.
"Yes, with my psychiatrist, she does that… counseling and you know, therapy sessions, they dispense meds.
"Actually, 'yun ang main difference sa psychologist. Sa psychologist, they can only do counseling, but in terms of meds, they can't give out medicines.
"Kaya nga, 'di ba, I always tell people, if you feel your emotions is really, kumbaga, hindi nila mailabas, then, go to a psychologist. But, if you think it's deeper, it's something that you cannot understand anymore… kasi, 'yun ang nangyayari sa akin, eh.
"Feeling ko, for lack of better term, para akong nababaliw talaga. Alam ko, hindi ako 'to. Pero ito 'yung nangyayari.
"Ang maganda lang sa akin, sabi ng doctor ko, introspective ako. Like I'm very aware of my cognitive behavior. So, if something is not align with what I know about myself, that I feel there's something wrong, kasi, I'm always about balance, so, if there is an imbalance in me, in my character, I know that there's something wrong."
Inamin din ni Ice na nu'ng unang malaman niyang may depression siya, 2 months siyang hindi nakakain.
"Alam mo 'yung may ipapasok ka sa bibig mo, tapos iduduwal mo? Kasi, sobrang 'di kaya ng katawan mo 'yung pagkain. Tapos, iyak ka nang iyak, pero hindi ako malungkot. Hindi ko lang alam bakit ako iyak nang iyak."
Bothered na bothered daw si Ice kapag nangyayari sa kanya 'yun. Pero ang good news nga niya, ngayon naman ay nakokontrol na 'yun ng kanyang iniinom na medicine.
Комментарии