ni Lolet Abania | October 12, 2021
Nakatakdang isara ang southbound lane ng Nagtahan Bridge sa Manila para sa gagawing rehabilitation at repairs nito, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Martes.
Sa isang press briefing, ipinakita ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang mga larawan ng mga crack o bitak na matatagpuan sa mga pader at concrete ng southbound ng flyover.
“The reason why we are showing you this dahil alam kong maraming motorists ang magiging inconvenienced sa mangyayari, mata-traffic. Pero please tingnan niyo naman ‘yung danger: delikado naman ito, ang laki ng crack na ito, baka bumigay ang ating tulay,” paliwanag ni Abalos.
Noong Pebrero, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nakakita na rin ng maraming bitak sa wingwall, sa concrete pedestal ng steel railings, at sa circular joint jackets ng flyover.
Ang Nagtahan flyover ay kabilang sa listahan ng DPWH na mga tulay sa Metro Manila na kailangan nang i-repair.
Ayon pa kay Abalos, ngayong buwan sisimulan ang rehabilitasyon at repairs ng naturang tulay habang inaasahang makukumpleto ito sa Abril 2022.
“The southbound lane [will be closed] up to April [next year] but for the meantime the northbound lane will be open but it is still undergoing repair maski na open siya,” sabi ni Abalos.
Comentarios