ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 18, 2024
Photo: Boy 2 Quizon - Claudine Barretto / IG
Nagpasalamat si Claudine Barretto kay Boy2 Quizon sa pagdamay nito sa ika-limang death anniversary ng ama.
Inihayag ng Optimum Star na halos apat na oras lang siyang natutulog bawat araw dahil sa mabigat na emosyon, kaya binigyan na siya ng sleeping pills ng kanyang doktor.
Kuwento ni Claudine, dumalaw si Boy2 upang magbigay lamang ng simpleng halik, kahit pa pinakiusapan na ng kanyang Ate Sol na iwasan muna ang mga bisita upang makapagpahinga siya.
Malaking pasasalamat ni Claudine sa suporta at pagmamalasakit ni Boy2, na itinuring niyang kapamilya hindi man sa dugo kundi sa kanilang malapit na samahan.
Ani ng aktres sa kanyang Instagram (IG) page, “These past few weeks was so dark for me especially yesterday was my dad’s 5th death anniversary. I sat for hours crying and not knowing who to call, blood isn’t thicker than water. In 4 days, mga 3 to 4 hours a day lang tulog ko.
“My amazing doctor @dra.babesmanalo gave me some sleeping pills so I could sleep until my baby brother @boy2quizon… for I don’t know what reason felt the need to visit me magki-kiss lang daw s’ya if tulog ako. Kahit sinabi na ni Ate @marisol0125 n’ya na no muna visitors para maka-rest ako pero syempre ‘pag pamilya, wala magawa si Ate Sol. He felt his ate’s pain. God, I thank you for my baby bro Boy2 buti ‘di n’ya tinawagan mga kuyas ko si @smokey_manaloto at @gioal_varez kundi patay ako ni ‘di ako pwede mag-bathroom kailangan tulog agad. This is my family, not by blood (but) by choice.”
Charlie Puth, shocked…
LIAM PAYNE NG ONE DIRECTION, NAHULOG SA 3RD FLR. NG HOTEL, PATAY
NAGLULUKSA ang American-singer-songwriter na si Charlie Puth dahil sa pagkamatay ng kaibigang singer na si Liam Payne, member ng One Direction boy band.
Kalakip ang larawan nila ng kaibigan na ipinost niya sa Instagram (IG) Reels ay nilagyan niya ito ng caption na: “I am in shock right now. Liam was always so kind to me. He was one of the first major artists I got to work with. I can not believe he is gone…”
Si Liam ay nahulog mula sa 3rd floor ng hotel sa Buenos Aires at namatay sa edad na 31.
Hindi pa kumpirmado ang totoong dahilan kung bakit nahulog si Liam Payne pero may mga bali-balitang may kaugnayan sa alak at drugs.
MALAPIT si Dani Barretto sa ina ng kanyang ama na si Kier Legaspi. Si Dani ay ang panganay na anak ni Marjorie Barretto nu’ng boyfriend pa nito si Kier.
May heartfelt birthday message si Dani sa kanyang Momsy Hershey.
Aniya sa kanyang Instagram (IG) account, “Happy Birthday, My Momsy! There’s nothing in this world I wouldn’t do for you. I love you very very much, mama! It's my turn to take care of you now @hershey.garcia.”
Kasal si Dani kay Xavi Panlilio last April 23, 2019 at mayroon na silang anak, si Camilla Marguerite B. Panlilio, or simply Millie.
Tuwing may event si Dani sa kanilang family ay hindi niya nakakaligtaang imbitahan ang kanyang lola tulad na lang noong nagpa-baby shower siya sa kanilang anak ni Xavi.
Just asking, kumusta naman kaya ang relasyon niya sa amang si Kier?
Comments