top of page
Search
BULGAR

May laban kina Vilma, Nadine, Juday at Lorna… HIRIT NI CARLO: JULIA, PANG-BEST ACTRESS ANG GALING

ni Ambet Nabus @Let's See | Nov. 25, 2024



Photo: Carlo Aquino at Julia Barretto sa pelikulang Hold Me Close - IG


“To be at least considered and be associated with them, sobrang honored and privileged na ako,” sagot naman sa amin ni Julia Barretto.


May impressive performance rin kasing nakita ang media sa trailer ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Hold Me Close (HMC), kasama si Carlo Aquino.


Sinegundahan pa ni Carlo na “best actress worthy” daw ang nasabing performance ng kanyang leading lady, with due respect sa mga artistang may entry din gaya ng kanyang ninang-Mommy Vi, Nadine Lustre, Judy Ann Santos at Lorna Tolentino.


“I only speak based sa kung ano’ng ginawa namin at nakita ko. Competent at magaling naman si Julia,” hirit pa ni Carlo.


Nagkasama na dati sa Expensive Candy (EC) movie sina Julia at Carlo pati na ang direktor nilang si Jason Paul Laxamana, kaya’t worthy reunion daw nila ang masuwerteng project na ito entirely shot in Japan.


At dahil tatak na ni Direk Jason ang pag-integrate ng mga ‘mysterious’ element sa movie gaya ng pagkakaroon ni Julia ng ‘power’ to know the future happening sa taong hinahawakan niya, i-expect na raw natin ang challenges nito sa pagkonek sa love story ng mga bida.


“Endearing, emotional, kikilabutan kayo at the same time ay maiinlab,” dagdag pa ni Direk Jason.

 

“Sa hindi ko na mabilang na bonggang media launch na nasalihan ko, ito na siguro ang isa sa mga pinakabongga, malaki, maayos. Iba!” ang masayang tsika sa amin ni kapatid Pipo a.k.a. Tirso Cruz III tungkol sa Uninvited media launch.


Sumunod nga naman kasi ang halos nasa 500 plus guests sa theme ng launch na kahit si Direk Dan Villegas ay nag-feeling nostalgic daw at parang na-transport siya sa isang era na naka-costume lahat.


Mula sa mga lead stars sa pangunguna ng Star for All Seasons na si Vilma Santos, Aga Muhlach, Nadine Lustre, Mentorque’s Bryan Diamante at production nina Direk Dan, Antoinette Jadaone at Irene Villamor, hanggang sa mga taga-Warner Bros. at marami pang iba, in full get-up na mala-Gatsby ang lahat.


Lumapit sa table namin si Sec. Ralph Recto at ang anak nila ni Ate Vi na si Ryan Christian na nagsabi ring “amazed na amazed” na makita sa naturang event ang ‘who’s who’ kumbaga ng makabagong multi-media.


Well, base pa lang sa official poster at trailer ng Uninvited, mukha ngang mangangabog na naman ang MMFF entry nina Ate Vi sa box-office at awards.

Quality-wise, impact, at audience appeal ng movie, walang dudang nasa winners’ list at mangunguna ang Uninvited.


More chika sa next issue!


 

UY, siguro kung nilagyan ng mas maraming ‘bagong artista’ ang IDOL, The Life Story Of April Boy Regino movie, tiyak na aapela ito sa bagong generation.


Maganda ang story, maayos naman ang direction ni Efren Reyes, Jr., nakakaantig marinig sa movie ang mga pamosong kanta ni April Boy at may kilig din ang love story niya with his wife Madel, pero ‘yun nga, baka ma-alienate ang new generation of moviegoers.


With all due respect sa mga senior o veteran actors sa movie, sana nagdagdag na rin ng mga socmed influencers na kilala talaga kahit sa mga cameo roles just to promote it well. Alam naman natin na sa panahon ngayon, malaking bagay ‘yung presence sa socmed (social media).


Kapwa magaling ang mga baguhang sina John Arcenas at Kate Yalung bilang mga main leads, pero aminin natin na sa mainstream film section, siyempre, magda-da who ang marami.


Mahusay na singer at aktor si John na kinarir nga ang look at awra ni April Boy. Very

consistent naman ang acting prowess ni Kate na napakagaling sa movie.


Ang bongga-bongga ng naging film screening nito kamakailan pero sana nga ay mag-translate ito sa mga movie houses come November 27 nationwide showing nito.

Congratulations po!


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page