top of page
Search
  • BULGAR

May kilala ka ba, besh? Mga uri ng toxic na tao

ni Jersy L. Sanchez - @Life & Style| July 18, 2022



Lahat tayo ay may kilalang “toxic” na tao. Minsan, kaibigan natin sila or worse, tayo mismo ‘yung toxic. Agree?


Gayunman, from the word itself, ang pagiging toxic ay hindi nakakabuti. Maaari itong mag-trigger ng trauma at maging sanhi ng insecurity, kaya naman hindi natin dapat panatilihin sa ating buhay ang mga toxic na tao, gayundin, kailangang matanggal natin ang ating toxic traits.


Pero bago ang lahat, narito ang iba’t ibang uri ng mga toxic na tao:


1. NO IMPROVEMENT. Siya ‘yung palaging nagbi-bring up ng past mistakes mo. In short, ‘di siya maka-move on. Siyempre, kasama rin sa mga ‘di niya makalimutan ay ‘yung mga maling desisyon mo sa past na ikaka-down mo. Tandaan, lahat tayo ay puwedeng mag-grow at kasama talaga ang mga pagkakamali sa buhay. Sabi nga, ‘di naman masamang magkamali dahil dito tayo natututo.


2. JUDGER. Ito naman ‘yung mahilig mag-comment sa buhay ng may buhay nang hindi inaalam ang buong istorya. ‘Yung tipong, bawat kilos mo ay may masasabi talaga siya kahit hindi naman siya involved sa mga ginagawa mo. Minsan, sila rin ‘yung naghahanap ng ipanghuhusga sa ‘yo o naghihintay na magkamali ka at saka gagawa ng issue laban sa ‘yo. Marites yarn?!


3. BACKSTABBER. May kilala ka bang mabait ‘pag kaharap mo, pero ‘pag nakatalikod ka ay sinisiraan ka na pala? Halimbawa, na-promote ka sa trabaho, bagama’t binati ka niya ng, “Congrats,” pagtalikod mo naman ay kung anu-ano na ang sinasabi niya sa ibang tao tungkol sa ‘yo. Naku, ‘di masaya sa buhay ‘yan, kaya puro negativities ang lumalabas sa bibig niya.


4. INSECURE. Isa pa ‘tong walang magandang sinasabi ‘pag may achievement ka. Gayundin, siya ‘yung nagsasabi ng, “Ang ganda naman ng suot mo, buti bumagay sa ‘yo?” Minsan naman, hihirit ‘yan ng mga biro na half-meant, pero sa totoo lang, ginagawa talaga niya ‘yun to make themselves feel good dahil sa insecurities niya. Besh, kung wala kang sasabihing maganda, mas okay na manahimik na lang. Uso nang maging masaya para sa mga taong nakapaligid sa ‘tin, as long as ‘di naman ito nakakaapekto sa buhay natin.


Kung may kakilala kang toxic, kahit ‘kaibigan’ mo siya, mas mabuting i-cut off mo na siya, besh.


Hindi natin kailangan ng toxic na tao sa ating buhay dahil hindi sila nakakatulong. Bagkus, sila pa ang nagdadala ng negativities sa buhay natin.


Kaya para sa peace of mind at peaceful life, ‘wag maging toxic at umiwas sa mga toxic.


Okie?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page