top of page
Search

May kasama pang tsismisan para happy… RUFFA, TODO-BOXING PUMAYAT LANG

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 26, 2025





Nakakaaliw si Ruffa Gutierrez, nagre-recruit ng friends niya na makakasama sa kanyang fitness journey at ang pinili niya sa balik-skinny journey ay ang boxing. Ipinost nito ang reels ng boxing niya with her boxing trainer and in fairness, marunong siyang sumuntok at malakas ito.


Ang napansin lang ng mga netizens, maliit ang katawan ng boxing instructor ni Ruffa kesa sa kanya, pero kung mahusay naman, tama lang na siya ang napili ni Ruffa.

Sabi ni Ruffa, “Hellooo, 2025! Day 1: No judging... it’s been awhile! Time to sweat, burn, and turn fat into muscle. Join me on my fitness journey to becoming Skinny Minny! Who wants to join us? #NoPainNoGain.”


Naka-3 rounds si Ruffa sa unang sabak niya at sa latest post, nasa Day 3 na siya ng kanyang fitness journey. Mukhang tuluy-tuloy na ito hanggang sa siya ay pumayat. 


Nang biruin nga ng anak na si Lorin na skinny na siya, ang sagot ni Ruffa, “Wait till next month, cutie!!”


Ang daming naeengganyo ni Ruffa sa kanyang fitness journey at gusto rin nilang sumali. Kaya lang, may nabanggit si Ruffa bilang sagot niya kay Mond Gutierrez na nag-comment. 


Sey niya, “We are forming a chicka while working out in a group.”

Ibig sabihin, hindi lang magwo-workout ang magiging grupo ni Ruffa, may tsikahan din on the side, kaya mas masaya.


Abangan natin ang mga sasali kina Ruffa at Cristalle Bello.


 

GF, ipapakilala raw sa madir…

KYLINE AT KOBE, 10 DAYS MAGSASAMA SA US


Nasa Los Angeles, California na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras for their 10-day vacation. Kasama raw sa rason ng paglipad ng magdyowa sa LA ay para ma-meet ang family members ni Kobe at dahil wala pa silang post kung sino ang kanilang tatagpuin, may mga nag-aakala nang baka ang mom ni Kobe na si Jackie Forster at mga anak nito ang kanilang imi-meet.


Nakilala na ni Kyline ang dad at brother ni Kobe na sina Benjie at Andre respectively, time na siguro for the actress to meet Kobe’s mom and siblings sa mom side niya.


Kahit hindi pa nagkikita sina Jackie at Kyline, para na silang magkakilala dahil sa

Instagram (IG). Nag-uusap sila via IG at kahit short comments pa lang, at least

magkakilala na sila.


Nag-post na si Kyline ng photos niya na nasa LA siya, pero wala si Kobe. Nag-request ang kanilang mga fans na sana mag-post siya na magkasama sila ng boyfriend na mangyayari sigurado. Hayaan muna nating mag-enjoy sa kanilang bakasyon ang dalawa.


Second time na itong bakasyon nina Kyline at Kobe dahil nauna na silang nagbakasyon sa New York City. Remember? Rumampa pa sila sa runway habang nasa NY sila and that time, kasama ni Kyline ang mom niya.


Itong LA vacation nila, parang sila lang ni Kobe ang magkasama o baka naman kasama pa rin ni Kyline ang mom niya, hindi lang kinukunan ng larawan.


 

Kapamilya fans, todo-harang…

PBB, MAPAPANOOD NA RIN SA GMA-7


Kani-kanyang hula ang mga nakabasa sa post sa X (dating Twitter) na, “May Paparating na Big Balita 01. 27.2025.”


Ang nasabing post ay may kinalaman daw sa bagong season ng Pinoy Big Brother (PBB) at ang pinakamalaking balita ay mapapanood ito simultaneous sa ABS-CBN at GMA-7. Ito raw ang bagong collab ng dalawang networks na mixed ang mga reaction ng fans.


Ayaw ng Kapamilya fans na umere sa GMA-7 ang PBB, sana raw, stay na lang sa ABS-CBN. Ayaw din ng mga Kapuso fans na umere sa network ang show ng ABS-CBN. Kung gusto raw ng GMA ng ganitong klase ng show, sana ibalik na lang ang Extra Challenge (EC) o ‘di kaya’y ang StarStruck o Survivor.


Malalaman sa nasabing date kung ano talaga ang announcement na ito at kung tama ang hula ng mga netizens na ito ang bagong collab ng Kapuso at Kapamilya channel.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page