top of page
Search
BULGAR

May hinihintay na lang daw bago magpaalam… MADIR NINA ROBIN AT BB, MAHINANG-MAHINA NA

ni Julie Bonifacio @Winner | June 11, 2024



Showbiz Photo

Panay ang Facebook Live ni Sen. Robin Padilla ng bonding nila ng kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng videoke sa kuwarto ng kanilang ina na si Eva Padilla for the past weeks.


Mapapanood sa video na nakapalibot si Sen. Robin at ang kanyang mga kapatid sa kama ng kanilang butihing ina habang nagkakantahan.


Kahapon ay may short video na ipinost si Sen. Robin sa FB kung saan makikitang

kinakausap ng misis niyang si Mariel Rodriguez ang kanilang Mommy Eva na nakahiga sa kama, na mukhang mahinang-mahina na.


Caption ni Sen. Robin sa video, “Kahit sa nakakabinging katahimikan, ang mga mahal na ina ay nagkakaintindihan.”





Sa comment section ay kani-kanyang kuda ang mga netizens sa interpretation nila sa FB post ni Sen. Robin.


Pahayag ng mga ito…


“Ganyan si mother ko before she died, almost a week na walang movements at ‘di rin nagsasalita. Until her last day ay kinausap namin s’ya ng mga anak ko, then unti-unti na s’yang bumibigay. May hinihintay sila na kumausap o mga salita na magpapaluwag sa kanila sa kanilang paglisan.”


“Ganyan din ‘yung mama ko, nakikita ko ‘yung paghihirap n’ya kaya sabi ko ay magpahinga na s’ya, kasi kaya ko na ang sarili ko bilang bunso. Kaya kinabukasan ng Linggo ng gabi ay nag-depart na s’ya.”


May nagduda na baka raw may hinihintay na anak ang kanilang Mommy Eva bago magpaalam sa kanilang lahat.


Sey pa ng isang netizen, “Tama kayo, kasi kaming mga Muslim, naniniwala na kapag alam mong mawawala ka na, parang ayaw mo pa kasi may inaantay kang mahalaga sa buhay mo na gusto mong makita bago ka lumisan.”     


Hula naman ng isang netizen, “Baka po si BB Gandanghari.”


Si BB Gandanghari ay ang dating si Rustom Padilla na isa sa mga anak ng kanilang Mommy Eva na kasalukuyang nasa Amerika, as of this writing.


Malay natin, baka pabalik na ulit ng Pilipinas si BB Gandanghari at dalawin ang kanyang Mommy Eva.


 

GINANAP ang victory party ng masisipag at dedicated men and women ng NDM Studios na pag-aari ng multi-awarded writer/director/producer na si Njel de Mesa sa Cinema 76 last Sunday.


This is two weeks after ng kanilang matagumpay na paglahok sa kauna-unahang Jinseo Arigato International Film Festival sa Nagoya, Japan nu’ng May 25-26.


Binigyan ng special citation award ang NDM Studios ng Best Independent Film Studio sa Jinseo Arigato Filmfest.  


Medyo na-delay nang konti ang pa-thanksgiving and victory party ni Direk Njel dahil hindi siya agad nakaalis ng Japan after ng Jinseo Arigato Filmfest. He still stayed in Nagoya for another week.


Bilang head ng Philippine delegation sa JAIFF 2024, marami pa kasi siyang inasikaso roon especially his six films na nakasali sa international filmfest sa Japan.  


Ang mga pelikula ng NDM Studios na kasama sa mga pinalabas during Jinseo Filmfest ay ang Malditas in Maldives, Coronaphobia, Mama ‘San?, Must Give Us Pause, Creepy Shorts Anthology at Subtext.


Well, present sa victory party ang parent and family ni Direk Njel, gayundin ang mga artista sa mga pelikulang nabanggit namin gaya nina Paolo Paraiso, Shanley Santos, Robert Seña at Arnold Reyes.


Sad to say, absent ang ibang stars sa movie ni Direk Njel na nakasama nila sa Japan. 

For sure, may mga prior commitments ang iba sa kanila gaya na lang ni Arci Muñoz na itinanghal bilang Best International Filipino Actress sa Jinseo Filmfest. 


Kaaalis lang kasi ni Arci ng bansa at kasalukuyang nasa Dubai. Sa June 12 na ang balik ni Arci at kinabukasan, flight din niya sa iba namang bansa.


Habang si Direk Njel ay busy na sa paghahanda para sa pag-ikot ng mga pelikula niya sa iba’t ibang international filmfests.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page