ni Imee Marcos @Imeesolusyon | Dec. 27, 2024
Mga beshie, HELLO?! Ano na ang ganap sa suporta natin sa lokal na pelikula?
Habang busy tayo sa kaka-stream ng foreign dramas at Hollywood blockbusters, nalilimutan na yata natin na ang kuwento natin bilang Pilipino ay kasing ganda ng kahit anong international hit.
Real talk: Bakit ang hirap magbenta ng local films sa sariling bansa? Kasi tayong audience kulang sa suporta. Lagi nating tanong — “May sikat bang artista?” or “Maganda ba ang CGI?” Mare, hindi lang mukha at effects ang basehan ng maganda! Paano na ang kuwento, substance, at lalim?
Ang tagumpay ng mga pelikula tulad ng ‘Himala’ ay kuwento ng Pilipino — faith, resilience, at kultura. Pero paano magkakaroon ng bagong ‘Himala’ kung hindi natin susuportahan ang mga direktor, manunulat, at aktor na gumagawa ng ganitong mga obra?
Kung naghahanap kayo ng panimula, perfect ang Metro Manila Film Festival (MMFF)! Isa itong pagkakataon na panoorin ang mga kuwentong Pilipino sa big screen na may kasamang paandar mula sa pinakamahuhusay na filmmaker at aktor ng bansa.
At dahil d’yan, let me flex this law na tumutulong sa industriya — Philippine Creative Industries Development Act (RA 11904) na siyempre bet na bet natin! Layunin nitong palaguin ang creative industries para mabigyan ng trabaho ang mga artist at creators, may proteksyon sila sa karapatan, at magkaroon ng mas maraming platform para i-showcase ang kanilang talent! Bongga, ‘di ba? Pero, ano ang silbi ng batas kung walang audience?
Bilang manang n’yong nasa creative industries, sinasabi ko na oras na para itodo ang tulong sa lokal na pelikula. Kahit ano pa ‘yan — drama, romcom, indie, o experimental — panoorin natin!
Deserve ng local films natin ng ganu’ng spotlight! Let’s give them the love they deserve. Hindi lang sila pang-aliw — sila ang puso ng ating pagkakakilanlan. Go na! Push na sa suporta sa lokal! Dasurv nila ‘yan!
Comentários