ni Beth Gelena @Bulgary | Oct. 3, 2024
May bago umanong biniling property si Willie Revillame na located sa Bonifacio Global City (BGC) worth P1 billion.
Isa si Kuya Wil sa mga richest celebrities in the Philippines with other billionaire personalities such as businessman Manny Villar, Megastar Sharon Cuneta, and legendary boxer Manny Pacquiao.
Lahat ng kung anong meron ang TV host ay pinaghihirapan niya, tulad ng luxury cars such as Bentley, Ferrari at dalawang Rolls Royce, mansion sa isang exclusive subdivision sa Quezon City, mga paintings na nagkakahalaga nang milyun-milyon, yacht, private jet, private helicopter, atbp..
May private resort at mansion din si Kuya Wil sa Puerto Galera.
Karagdagan sa kanyang properties ngayon ay ang high-end residential hotel nga sa BGC.
Binili umano niya ang buong 49th floor at ang penthouse. Ang bagong property ay nasa 800 square meters with the 49th floor having six rooms. Ang bagong investment ay under renovation umano.
Plano umano niyang tirahan ang penthouse na may helipad para convenient sa kanya, because he has his own chopper. For rental naman umano ang 49th floor.
MAY ibinahaging larawan ng 54-year-old actress na si Gretchen Barretto ang dalawang hairstylists at make-up artists ng mga celebrities na sina Mark Qua at Aries Manal sa kanilang Instagram account.
Napa-wow ang mga netizens sa youthful looks ni La Greta.
“So nice to see you again, La Greta (Gretchen),” ani Manal sa caption.
Aside from the beautiful snaps, the two stylists shared reels of Barretto who seemed to be preparing for a photo shoot.
Maging sina Heart Evangelista, Bea Alonzo at Anne Curtis ay hindi napigilang ma-amaze sa larawan ng beteranang aktres.
Matagal na ring hindi aktibo si La Greta sa socmed (social media) platforms para raw makapag-focus sa kanyang personal life.
“There’s more peace because I don’t have to keep on checking on Instagram what’s this person doing, and what's going on.
“I am more productive, I can do things that are more important to me rather than what’s important to show,” pakli niya.
Dagdag pa niya, “I am relevant, with social media or not. It’s not something that you can just erase because you don’t have social media. In fact, I believe I am more relevant because people don’t know where I am and what I am doing.
“I am in a different world now, I can let go. You have to let go of what does not serve you anymore.”
Wow, puwede pala ‘yun?
SASABAK na rin sa pulitika ang actor na si Marco Gumabao. Sa kanyang Instagram page ay may mensahe ang actor ukol sa kanyang pagtakbo sa pulitika.
Kasama ang actress-girlfriend na si Cristine Reyes ay nag-file na ng candidacy ang actor bilang representative ng 4th District ng Camarines Sur.
Aniya, “Today marks a new journey. Para sa ‘kin, simula ‘to ng isang malaking yugto sa aking buhay. Panibagong simula na sigurado akong makakagawa ng malaking epekto, hindi lang para sa sarili ko, kundi sa buong 4th District ng CamSur. Buo ang loob ko na lumaban para sa pagbabagong matagal nang inaasam, pagbabagong matagal na dapat ipinaramdam sa partido.
“As a Christian, I believe that we are called in this world to be of service to others and not to be served. Mark 10:45. Ako po si Marco Imperial Gumabao, at sisiguraduhin ko, na ang serbisyo ang laging mangingibabaw,” wika pa nito.
Ang CamSur ay balwarte ng boyfriend ni Yassi Pressman na si Gov. Luigi Villafuerte.
Kommentare