ni Beth Gelena @Bulgary | April 30, 2024
“Kahit mamatay ako, hindi ko mapapatawad si Vice Ganda sa ginawa niya sa akin. Wala talagang kapatawaran ang pambabastos niya sa pagkatao ko.”
Totoo kaya na sinabi umano ni Jessica Soho ang linyang 'yan para kay Vice Ganda?
Siyam na taon na ang nakararaan nang pumutok ang isyu sa pagitan nina Meme Vice at Jessica.
Nasaktan daw kasi ang TV host-journalist sa rape joke ng Unkabogable Star, kaya siguradong matatagalan pa bago maghilom ang pusong nasugatan.
Marami naman ang naniniwalang magkakaayos din ang dalawang sikat na celebrities sa kani-kanilang genre.
Sabi nga, "Time heals all wounds."
Opmerkingen