top of page
Search
  • BULGAR

May ganern, Pop Princess? MATTEO, TINAWAG NA ASAWA NI SARAH, TODO-DENY

ni Nitz Miralles @Bida | October 07, 2023



Nakakatuwa si Matteo Guidicelli sa isa nilang taping ng Black Rider, bumili ng lumpia sa isang street vendor at nagpakilalang si Ruru Madrid.


Naniwala naman ang tindera na siya nga si Ruru at tinawag pa ang ibang tindera para magpa-picture rin at naniwala silang si Ruru nga ang nasa harap nila.


May nakakilala kay Matteo, pero hindi siya sa kanyang pangalan tinawag kundi bilang “asawa ni Sarah Geronimo,” na in fairness kay Matteo, hindi na-offend.


Itinanggi lang nito na asawa siya ni Sarah, pero ang maganda, inilibre ng turon, lumpia at banana cue ang crew at staff ng action series.


Anyway, sa Black Rider, ipapakita rin ni Matteo ang husay sa action at car racing at ipinasilip pa ang drifting skills niya sa isang car chase scene.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page