top of page
Search
BULGAR

May forever sa relasyong nabuo sa Messenger

ni Mabel G. Vieron @Special Article | Pebrero 14, 2024



Tuwing sumasapit ang February 14, ating isine-celebrate ang Valentine’s Day o Araw ng mga Puso. Everyone knows it's called the Month of Love para ipakita ang pagmamahal at paghanga sa ating mga minamahal.


Ang iba pa nga ay dinadala ang kanilang loved ones sa romantikong lugar at kainan.


Nakasanayan na rin nating magbigay ng mga tsokolate, bulaklak at magagandang alahas tuwing Valentine’s Day.


Ngunit hindi lang para sa mga couples ang araw na ito, dahil maaari rin nating ipakita sa ating mga kaibigan at pamilya ang ating pagpapahalaga sa kanila dahil ang pagmamahal ay para sa lahat.


But wait, alam kong marami rin sa atin ang nako-confuse kung saan nga ba nagmula ang Valentine’s Day o Araw ng mga Puso.


Kaya mga Ka-Bulgar, ‘wag nang magpahuli pa at atin na itong alamin. Oki?


Sa katunayan, ang Araw ng mga Puso ay walang malinaw na kasaysayan. Aware lang tayo na matagal na itong ipinagdiriwang, pero alam n’yo rin ba na hindi naman talaga maituturing na Buwan ng Pag-ibig ang Valentine’s Day dahil buwan ito ni St. Valentinus or St. Valentine?


Sino nga ba si St. Valentinus at paano siya naiugnay sa pag-ibig?


Si St. Valentinus ay isang martyr na pari noong third century ng Rome. 


Isa sa mga kuwento tungkol sa pinagmulan nito, si St. Valentinus umano ang nagdaraos ng mga sikretong kasalan para mga sundalo. Ito naman ay sumasalungat sa utos ng noo’y emperor na si Claudius II. 


Ayon kasi sa paniniwala ng emperor, ang pagpapakasal ay nagpaparupok lang ng katauhan ng isang lalaki.


Ang martir na si St. Valentinus ay naging saksi sa pagkalungkot ng mga sundalo at halos pagsuko na maikasal sila sa kanilang mahal.


Kaya naman, hindi sumang-ayon si St. Valentinus sa utos ng emperor. Sa mga panahong gustong magpakasal ng mga sundalo ay lumalapit sila kay St. Valentinus para magdaos ng sikretong kasal. Ngunit, ang sikretong kaganapan na ito ay nabunyag ng emperor na naging dahilan kung bakit siya naaresto.


Habang nasa kulungan, pinaniniwalaang ginamot ni St. Valentinus ang isang bulag na babae. Dito ipinamalas ni Valentinus ang kanyang mirakulo.


Hindi naglaon ay namangha ang emperor sa pagkatao ni St. Valentinus at pinakiusapan nito na tulungan siyang isakatuparan ang utos nitong walang kasalan na mangyari sa mga sundalo.


Ngunit hindi ito sinang-ayunan ni St. Valentinus at nanindigan sa kanyang prinsipyo. Ito naman ay ikinagalit ng emperor at iniutos na ipapatay siya.


Isa rin sa mga kuwento ay nakakonekta sa pagkakakulong ni St. Valentinus.


Pinaniniwalaang si Valentinus ang kauna-unahang nagbigay ng Valentine's card sa kanyang iniibig nang bumisita ito sa kanyang kulungan isang araw bago ang kanyang kamatayan. Ibinigay niya ang sulat na may nakalagay na: “From your Valentine,” na siyang ginagamit pa rin sa panahon ngayon.


Marami man ang mga kuwento tungkol sa Araw ng mga Puso, isa lang ang dapat nating ipakita at ‘yan ay ang pagmamahal sa kapwa, pamilya, at maging sa ating iniibig. 

 

Natalakay na natin kung saan nga ba nagmula ang Araw ng mga Puso, atin namang alamin ang kuwentong nagpaantig din sa aming puso.


Isa sila sa mga couples na ‘di bumitaw kahit na napakaraming pagsubok ang kanilang pinagdaanan.


Halina’t alamin natin ang kuwento nina Angel at Gilbert. 


Nagsimula ang lahat noong taong 2010 nang magkaroon ng basketball league ang kanilang paaralan kung saan pareho silang nakapagtapos nu'ng taong 1994 — ang Trinity University of Asia (TUA). 


Nagkataong si Angel ang kinuhang muse, at doon siya nakita ni Gilbert. 


Pagbabahagi ni Ms. Angel, “Naalala ko pa noong tinanong niya ang aming batchmate na kung ako ba umano iyon, at sinagot siya nito na 'Oo, si Angel ‘yun.' ‘Yun ang unang pagkakataon na nagkita kami after 16 years.” 


Mula nang magkita uli sa basketball league, lumipas pa ang ilang buwan, at dumating ang buwan ng December kung saan mayroong Christmas party at du'n umasa si Gilbert na a-attend si Angel, ngunit hindi nakadalo ang dalaga sa nasabing event.  


Pero dahil mukhang sila talaga ang itinadhana, nagkaroon uli ng chance na magkapalitan sila ng mensahe sa Messenger at nang hingin ni Gilbert ang kanyang cellphone number. 


Pagpasok ng taong 2011, araw-araw na diumanong nakakatanggap ng good morning messages ang dalaga, at doon mas lumalim ang kanilang relasyon. 


Noong panahong iyon ay pareho na silang solo parent, at alam n’yo pa kung ano ang nakakagulat? Parehong involved ang kanilang mga kinakasama sa 3rd party, kaya ayun din ang naging dahilan kung bakit ‘di naging okey ang kani-kanilang past.


Ayon nga kay Ms. Angel, “Mas madaling unawain ang aming sitwasyon dahil alam namin ang pinanggalingan ng bawat isa. Iisa lang ang goal namin, at ‘yun ay pagtibayin ang aming relasyon. Maging faithful, dahil alam namin ang pakiramdam ng lokohin.”


June 19, 2011, dinala diumano ni Gilbert ang dalaga sa kanila at ipinakilala sa kanyang pamilya. 


“Natuwa ako dahil ang ganda ng pagtanggap nila sa akin, at June 24, 2011, officially naging kami. Pero, hindi sa lahat ng oras ay matutuwa sila. Hindi rin naman nila ako masisisi dahil may nakita akong mga bagay sa asawa ko na hindi nila alam.”


Marami umanong narinig na paninira ang mag-asawa lalo na sa kanilang batchmate. Nandu’n ‘yung nahusgahan si Angel dahil may nagsabi na, “Sa dinami-rami ng nanligaw sa iyo, babagsak ka lang pala sa isang bungi," pagbabahagi niya. 


“May paulit-ulit ding nagsabi na ‘di kami magtatagal, hanggang sa nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa side ng relatives ni Gilbert. Hindi ko naman sila masisisi dahil naging super-close nila ang dating kinakasama ni Gilbert. Dahil nga hindi naman nila 'ko gaanong kakilala, mas pinaniwalaan nila ang sinasabi ng ibang tao.”


Taong 2012 hanggang 2014, hindi naging maganda ang kanilang pagsasama at halos paghiwalayin na sila ng tadhana. Dumating din umano sila sa hiwalayan, pero pilit pa rin nilang ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan. 


Kung may ‘di makakalimutang araw si Angel, ‘yun ang araw kung saan nag-propose sa kanya si Gilbert. 


“February 14, 2014, nag-propose siya sa akin at agad naman akong pumayag. Pero hindi pa rin natapos doon ang aming mga bashers.” 


Sa katatagang ipinamalas ni Angel, dumating din siya sa puntong gusto na niyang sukuan ang kanilang relasyon. 


“Nakakapagod din kasi lumaban, lalo na kapag feeling mo, nag-iisa ka lang.” 


Nang dumating ang December 22, 2014, napagkasunduan nilang magpakasal na at ipinaalam nila ito sa kani-kanilang pamilya.


Hindi man naging ganu’n kadali. Pero, malaki ang pasasalamat ni Angel sa kanyang pamilya dahil nagawa ng mga ito na unawain ang kanilang sitwasyon.  


Noong taong 2015, nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Nagpasya ang mag-asawa na gawin ang caesarean section sa mismong kaarawan ni Gilbert. 


“Regalo ko na sa kanya iyon at manahimik na sana ang mga bashers namin, dahil hindi naman maitatanggi na anak ng asawa ko ang anak namin na si Ethan.” 


Samantala, taong 2019 nagsimula ang ‘di pagkakaunawaan sa side ng pamilya ni Gilbert. Ilang away, sigawan, at iyakan ang kanilang naranasan dahil sa mga hindi magagandang salita. 


Apektado ang lahat, maski ang pagsasama nilang mag-asawa ay naapektuhan din, pero dahil mahal nila ang isa’t isa, pilit pa rin nilang inilaban ang kanilang pagmamahalan. 


Ang mas pinanghawakan nila noong panahong iyon ay lahat ng pagsubok ay kanilang malalagpasan basta’t walang susuko. 


“Lahat ng iniyak at dinasal ko sa Diyos, dininig Niya ito. Dumating ‘yung araw na pinakahihintay namin, at ‘yun ‘yung magkaayus-ayos kami. Ang sarap sa pakiramdam na magkapatawaran kami.”


Sa kabila ng kanilang pagtitiis, sa wakas ay nakamtan na rin nila ang kaligayahan. 


Ayon pa nga kay Angel, “Kung may pagkakataon lang kaming lingunin ang aming relasyon, wala akong gustong baguhin o pagsisihan dahil lahat ng iyon ay may dahilan.” 


Grabe rin ang pinagdaanang hirap at sakripisyo nina Angel at Gilbert, pero happy ending pa rin naman.


Nakaka-touch naman ang kuwentong kanilang pinagdaanan. At sa ngayon ay 13 years na silang nagsasama.


Kaya mga Ka-Bulgar, kung ganitung-ganito ang inyong mga pinagdaraanan, sana'y gawin n’yong inspirasyon ang kanilang love story.


‘Wag basta-basta susuko para wala rin tayong pagsisihan sa bandang huli. Okie?


At para naman kina Ma’am Angel and Sir Gilbert, kudos po at saludo kami sa katatagang ipinamalas n’yo! Nawa’y magtuluy-tuloy pa ang inyong magandang samahan. 



1 comment

1 Comment


rosalba gutierrez
rosalba gutierrez
Mar 27

TUNAY NA URGENT EFFECTIVE SPELL CASTER UPANG TUMULONG IBALIW ANG EX LOVER AT ILIGTAS ANG KASAL

Kumusta sa lahat ang aking pangalan Rosalba ay labis na nalulula sa kagalakan, lahat salamat kay Dr.GURU. Iniwan ako ng aking asawa para sa ibang babae ilang taon na ang nakalipas at labis akong nalungkot dahil wala akong ginawang masama sa kanya, naiwan ako sa aking dalawang anak at isang trabahong maliit ang suweldo. Muntik na akong sumuko hanggang sa makakita ako ng testimonya online tungkol kay Dr.GURU kung paano siya nakatulong sa maraming tao, kaya nakakagulat na nakipag-ugnayan ako sa kanya 24 oras pagkatapos kong gawin ang ipinagagawa sa akin ng doktor ay bumalik ang aking asawa kinabukasan pagkatapos ng spell na nagmamakaawa…

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page