ni Dr. / Atty. Erwin P. Erfe, M.D. @Sabi ni Doc | Dec. 16, 2024
Dear Doc Erwin,
Ako ay isang young professional na nagtatatrabaho sa isang private company sa Makati City. Sa batang edad ay nag-umpisa nang makalbo ang aking buhok sa ulo. Nagkonsulta ako sa isang hair clinic at pinayuhan ako na bukod sa mga gamot at vitamins na aking iinumin ay itigil ko ang aking pag-i-intermittent fasting. Maaari raw makasama ito at mapigilan ang pagtubo ng buhok.
Nais ko sanang ipagpatuloy ang aking regular na pag-i-intermittent fasting dahil sa mga health benefit nito at upang bumaba ang aking timbang. Maaari ko bang ipagpatuloy ang aking fasting regimen? May mga pag-aaral na ba tungkol sa epekto ng intermittent fasting sa pagtubo ng buhok? — Jose Benedicto
Maraming salamat Jose Benedicto, sa iyong pagliham at pagsubaybay sa Sabi ni Doc at BULGAR newspaper.
Ang intermittent fasting ay sumikat sa buong mundo dahil sa health benefits nito katulad ng pagbaba ng risk na magkaroon ng sakit sa puso, Alzheimer's disease at Type 2 diabetes. May mga pag-aaral na rin na nagpakita na makakatulong ito na mabawasan ang side effects ng chemotherapy at radiation therapy.
Napapanahon ang iyong pagsulat at pagtatanong tungkol sa epekto ng intermittent fasting sa pagtubo ng buhok. Kamakailan lamang December 13, 2024 ay may nailathala na resulta ng collaborative studies ng mga dalubhasa mula sa Zheijang University, Westlake University at Department of Stem Cell and Regenerative Biology sa Harvard University sa scientific journal na Cell.
Ang nabanggit na pag-aaral ay isinagawa sa mga laboratory animal at may human randomized controlled trial (RCT) din sa 49 na human subjects.
Ang mga stem cells ay may kakayanan na mag-regenerate ng ating mga cells na nasira o namatay na dahil sa pagtanda (aging) at iba't ibang uri ng physiological stress. Ang intermittent fasting ay napatunayan nang nagpapalakas ng resistance sa stress ng ating mga stem cells sa dugo, intestines at muscle tissue. Dahil dito mas malakas ang kakayanan ng ating katawan na mag-regenerate.
Ngunit ayon sa pinakahuling pag-aaral na nabanggit, dahil sa intermittent fasting ay namamatay ang mga hair follicle stem cells (HFSCs) ng mga laboratory animals. Dahil sa intermittent fasting ay hindi na muling tumubo ang mga buhok ng laboratory animals. Ano kaya ang epekto ng intermittent fasting sa pagtubo ng buhok ng tao?
Maraming Salamat sa inyong pagliham sa Sabi ni Doc at nawa’y magpatuloy sa pagbuti ang inyong kalusugan. Kung may mga katanungan pa, mag-email lamang sa Sabi ni Doc sa e-mail address na erwin.erfe@gmail.com o sa doc.bulgar@gmail.com
Comments