ni Lolet Abania | May 10, 2022
Nasa 31 botante ang pinauwi para sumailalim sa isolation matapos na makaboto nang makitaan ang mga ito ng sintomas ng COVID-19 nitong Lunes, Election Day, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang ang mga indibidwal sa 644 cases na inalagaan at ginamot ng mga health workers sa mga polling precincts. Habang nasa 57 pasyente ang dinala naman sa mga ospital.
“Wala naman po tayong nakitang may severe for example na sintomas na nagpunta talaga doon. ‘Yung iba based on detection, so assessment ng mga doktor na kasama natin du’n po nakita na maaaring COVID related,” saad ni Vergeire sa mga reporters ngayong Martes.
“These were just 31 among all of those who were managed and treated. Marami po sa tini-treat ay may pagtaas ng presyon, maaaring dulot ng init... the rest minor lang,” paliwanag ni Vergeire.
Gayunman, ayon kay Vergeire, naobserbahan ng ahensiya na may ilang mga lugar ang nabigong magpatupad ng physical distancing sa botohan.
“We are closely monitoring the situation. We have seen violations specifically on physically distancing," aniya.
“But as we have said, sa ‘Apat Dapat,’ tatlo ay sapat na. As long as people are wearing their masks properly, there is adequate ventilation in the classrooms, and also siyempre dapat bakunado — sana ang mga bumoto kahapon ay bakunado.”
Ayon kay Vergeire, ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay posibleng tumaas sa katapusan ng buwan, kung ang publiko ay patuloy na babawasan ng 30 hanggang 50 porsyento ang pagsunod sa minimum health standards.
“We know the incubation period is 14 days, because of the new variants it may be less than 14 days,” sabi pa ni Vergeire.
Commentaires