top of page
Search

May bomb threat… Klase sa skul sa Taguig City, sinuspinde

BULGAR

ni Lolet Abania | November 7, 2022



Sinuspinde ang afternoon classes sa isang paaralan sa Taguig City ngayong Lunes dahil sa isang bomb threat.


Ayon kay Taguig City Police chief Police Colonel Robert Baesa, isang dummy account ang nag-post ng isang threatening message o nagbabantang mensahe sa isang Facebook live ng gobyerno ng Taguig City. Sinabi ni Baesa na agad silang nag-deploy ng mga pulis, Special Weapons and Tactics team, at bomb squad sa naturang lugar para matiyak ang kaligtasan ng publiko.



Kanila ring aniya, isinecured ang paligid at sinuri ang mga gusali at bisinidad nito para sa posibleng explosive device.


Gayundin, iniutos at pinauwi na ng bahay ang mga estudyante at guro ng Signal Village National High School.


Ayon sa city government, walang bomba o explosive na natagpuan sa ginawang sweeping operation ng mga awtoridad, salungat sa impormasyon na kumalat online.


Nakipag-ugnayan na rin ang Taguig police sa Philippine National Police Anti-Cybecrime Group para matukoy ang taong nasa likod ng nasabing pagbabanta.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page