ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | December 4, 2023
KATANUNGAN
May nobyo ako ngayon. Balak na naming magpakasal, pero nagpumilit siyang mangibang-bansa kahit na 2 taon. Pagkatapos umano nu’n ay magpapakasal na kami. Actually, nagli-live in na kami for almost a year bago siya mag-abroad, gagawin niya raw ‘yun para sa future namin.
Ang pinagtataka ko lang, Maestro, mahal ko siya pero nang may dumating na lalaki sa buhay ko na hindi ko naman masyadong mahal, nakipagrelasyon ako sa kanya at lihim na may nangyayari sa amin habang nasa abroad ang fiancée ko.
Ayoko sana itong gawin sa fiancée ko. Kaya lang, ‘di ko siya kayang iwasan, kahit na alam kong hindi ko naman siya mahal. Nais kong itanong kung totoo bang nakatakda ang kapalaran? Iniisip ko kasing baka nakatakda talaga ang dalawang lalaking ito na makasama ko.
KASAGUTAN
Totoong nakatakda ang kapalaran sa mga taong maninipis ang palad at mabuto kapag sinalat, subalit sa mga taong may makakapal na palad o matambok at malaman na palad. Ibig sabihin, may energy kang nasalat - sila ang mga taong may kakayahang iwasan ang nakatakda at baguhin ang kanilang kapalaran. At hindi lang maiiwasan nila ang kapalaran, bagkus sa pinakamatinding will power, lalo na kung malaki ang unang hati ng daliring hinlalaki (arrow a.) may will power silang isagawa at hubugin ang sarili nilang kapalaran at tadhana.
Kaya nga bagamat tila nagpapatong ang Marriage Line (Drawing A. 1-M arrow b.) sa kaliwa mong palad, pero naging isang tuwid na lang na Marriage Line (Drawing B. 1-M arrow c.) sa kanan mong palad at nagkataong presente sa iyo ang mga indikasyong pinaliwanag na sa itaas, may kakayahan kang baguhin at ituwid ang iyong kapalaran.
Sa madaling salita, kapag patuloy mong niloko ang iyong nobyo, mananaig ang nagpatong na Marriage Line (1-M arrow b.) sa kaliwa mong palad - hindi mo siya makakatuluyan, dahil hindi lang naman siya ang niloko mo kundi pati na rin ang iyong sarili. Kaya nga ang mangyayari, pagkatapos mong manloko ng tao at nagkataong ang tao na iyong niloko ay ang nobyo mo, darating ang panahong ikaw naman ang lolokohin ng iyong kapalaran. Kaya hindi mo makakatuluyan ang lalaking mahal na mahal mo talaga na kinakatawan nga ng first boyfriend mo o ng fiancée mo na nasa abroad.
Subalit, kung sakaling naging tapat ka na sa iyong sarili, kasabay nito magiging tapat ka na rin sa iyong fiancée na nasa abroad. Maiiwasan mo na ang ikalawa mong boyfriend na hindi mo naman masyadong mahal. Sa puntong ito maitutuwid at maitatama mo na ang iyong ginagawa.
DAPAT GAWIN
Kaya wala kang dapat gawin ngayon, Mariel, kundi ang iwasan ang lalaking nakikisawsaw sa relasyon n’yo ng fiancée mo. Sa ganyang paraan, mananaig ang kaisa-isa at magandang Marriage Line (1-M arrow b.) sa kanan mong palad. At sa pagbabalik ng iyong fiancée, kayo na ang magkakatuluyan hanggang sa tuluyang bumuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Comments