top of page
Search

May basbas daw ng doktor… MAJA, SUPER-LAKI NA NG TIYAN, TODO-HATAW PA RIN SA A.S.A.P.

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary | February 12, 2024



Grabe si Maja Salvador, buntis na, nagsasayaw pa. 


Kahapon sa A.S.A.P. Natin 'To ay nagsasayaw ang aktres habang ipino-promote ang bago niyang kanta na Sugal


Hindi alintana ng aktres na kahit malaki na ang kanyang tiyan ay nagagawa pa niyang maglulundag, kahit feeling namin ay malapit na siyang manganak. 


Ang pagpe-perform ni Maja ay hindi lang para i-promote ang bago niyang single na Sugal kundi in-announce rin niyang 20th anniversary na rin niya sa showbiz. 


Ani Maja, sinabihan naman daw siya ng kanyang doktora na puwede pa siyang magsayaw dahil healthy naman ang kanyang baby girl sa sinapupunan. 


Nagpasalamat si Maja dahil muli raw siyang nakapag-perform sa A.S.A.P. na dati niyang ginagawa. 


Pinasalamatan ng aktres ang kanyang A.S.A.P. family dahil nakasama siya sa 29th celebration ng best variety show na napapanood every Sunday. 


Hindi naman maiwasang mapaluha si Maja habang nagpapasalamat nang mabanggit ang namayapang si Sir Deo Endrinal. 


Si Sir Deo raw ang tumulong sa kanya kung bakit nagkaroon ng isang Maja Salvador. 


Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page