top of page
Search
BULGAR

May audience na, sumisigla ang sports sa South Korea

ni Eddie M. Paez Jr. - @Sports | August 15, 2020




Hindi nagpapaawat ang pagsigla ng palakasan sa South Korea matapos na isagawa ang mga Professional baseball games habang nanonood ang mga tagasubaybay onsite at matapos patakbuhin ang isang live na national weightlifting event.


Sa pagpapatuloy ng 2020 season ng Korean Baseball Organization o KBO, pinapayagan nang pumasok sa palaruan ang mga manonood. Ang torneo na nagsimulang gumiling noong Mayo 5 sa isang “closed door” na kondisyon, ay pinapayagan na ngayong magkaroon ng 25% mga manonood onsite. Pinapanatili pa rin ang one-seat apart na polisiya. Mandatory ang pagsusuri ng temperatura ng kada manonood bago pumasok sa palaruan gayundin ang paggamit ng face mask.

May 4,000 hanggang 6,000 manonood ang kasali kada laro sa KBO. Noong Hulyo 26, may 10% lang ng mga manonood ang pinapapasok sa venue.


Sa isang pahayag, sinabi ng tagapangasiwa na, “KBO and the 10 clubs welcome the government’s decision to expand audiences and express their deep gratitude to the crowds for maturely handling the inconvenience and thoroughly complying with the quarantine guidelines”.


Samantala, ang 2020 Korea National Spring Championships ay ginanap sa Seochun, Chungnam sa loob ng walong araw. Sinasabing may 466 na kalahok ang sumailalim sa anti-COVID-19 na mga panuntunan ng kompetisyon.


“Fever check,” paggamit ng hand sanitizer at face masks, at “one athlete - one coach sa warm-up area” ang ilan lang sa mga patakarang ipinairal onsite. Ipinagbawal ang mga manonood noong una bagamat malaking hakbang na ito sa panunumbalik ng isports sa aktibong estado.


Ang South Korea ay may kumpirmadong kaso na 14,873 bilang ng may COVID-19, habang 13,863 ang nakarekober at 305 ang mga namatay. May dagdag na 103 ang kaso kahapon habang walang nasawi.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page