top of page
Search
BULGAR

May 5 yrs. pa… JOEY, MAGRE-RETIRE LANG SA SHOWBIZ ‘PAG 50 YRS. NA ANG EAT BULAGA!

ni Ambet Nabus @Let's See | Oct. 13, 2024



Photo: Joey De Leon - FB


Nakakaaliw naman ‘yung birthday special ng Eat… Bulaga! (EB!) para kay Joey de Leon last Saturday.


Bukod sa mga close and family friends na bumati rito at naki-join sa saya sa studio, lahat ng segments ng show ay may kinalaman sa kilalang TV host.


Sa Pinoy Henyo (PH), lahat ng categories mula sa tao, bagay, pagkain, etc., nagsisimula o may letter J sa sagot.


Sa Bawal Judgemental (BJ), lahat naman ng apat na pinagpilian ay pawang Joey de Leon ang tunay na name. Amazing ang mga kuwento nila dahil talagang nakakonek sa pamosong Joey de Leon, kung bakit ‘yun ang name nila.


Kahit du’n sa EB Olympics segment, lahat ng questions ay patungkol kay Joey. Nakakatuwa lang talaga ang paghahandang ginawa ng production ng show.


Well, 78 years old na si Joey at very vocal nga ito sa pagsasabing once na umabot na sa 50 years ang EB!, ready na siyang mag-retire sa showbiz work. 


At dahil 45 years old na ang EB!, may 5 years to go pa before he quits showbiz. 

Happy birthday po, Sir Joey de Leon!


 

Sa socmed pa nagpatutsadahan…

HIRIT NG NETIZENS: AJ AT ALJUR, KILABUTAN SA PAGDAWIT KAY LORD SA RESBAK KAY KYLIE


AJ Kylie

“HINDI ba sila kinikilabutan? Talagang sa socmed (social media) pa sila nagsasagutan at gamit na gamit pa ang Panginoon?” ang isa sa mga nabasa naming reaksiyon tungkol sa isyu pa rin nina AJ Raval at Aljur Abrenica versus Kylie Padilla.


Nagsimula nga sa tila patamang post ni Kylie na gusto naman yatang tapusin nina AJ at Aljur sa maintrigang palitan nila ng posts na may kinalaman sa ‘katotohanan ng hiwalayan nina Kylie at Aljur at kung paanong hindi na lang nagsalita si Aljur dati’.


May pa-“saksi ang Diyos” post pa si AJ na para bang nandu’n siya nang maghiwalay sina Aljur at Kylie.


Kaya ang assumption ng mga nakasubaybay, nai-Marites na marahil ni Aljur kay AJ ang noo’y isyu nila ni Kylie.


Nakakawindang nga lang basahin ang exchange of posts ng magkarelasyong Aljur at AJ na para bang nasa magkalayong lugar sila kung mag-usap? 


Kung may mga nagsasabing tila hindi pa naka-move on si Kylie, may mga naghahamon naman kay Aljur na diretsuhin na rin ang mga pasimpleng “Alam mo naman ‘yun,” reply message nito kay AJ, tungkol nga sa naging hiwalayan nila ng misis.


And yes, marami rin ang nag-agree na kilabutan sana sila sa paggamit ng “Panginoon” dahil sa mata ng Diyos at tao, may mali sa pagsasama nila ngayon.


 

NATAPOS na rin ang pananabik ng mga Echonine fans (Jericho Rosales at Janine Gutierrez) na nakatutok sa Lavender Fields (LF).


Pagkatapos kasi ng mahigit 20 episodes, muling nagbabalik ang karakter ni Tyrone a.k.a. Jericho Rosales.


Sa hinaba-haba ng itinakbo ng kuwento at pag-establish sa mga karakter nina Jodi Sta Maria, Janine Gutierrez, Maricel Soriano, Edu Manzano, Albert Martinez kasama na ang mga bagets dito, na-miss talaga nang sobra si Jericho.


Lalo na ng mga supporters nila ni Janine na kilig na kilig sa bawat socmed (social media) activity nila.


Last October 2 ang birthday ni Janine pero hanggang ngayon ay intrigang-intriga ang marami sa kung anu-ano ang mga gifts na inihandog ni Echo sa aktres.


At ngayong nagbabalik na nga ang karakter ni Echo, expected na siyempre ang mas intense at exciting na eksena sa LF.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page