May 5 criteria raw… MICHAEL V., IBINULGAR ANG SINABI NI RICO J. KUNG PAANO NAGING SUPERSTAR SI NORA
- BULGAR
- 4 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 22, 2025
Photo: Michael V - FB
Ginawan din ni Michael V. ng sketch si Nora Aunor at may caption na “SUPERSTAR.”
Kasunod nito ang mahabang post ni Michael V. patungkol kay Nora.
Sey niya, “Something in the 90s, narinig ko from the legendary Rico J. Puno kung pa’no maging “superstar” sa Philippine entertainment industry and he said there are 5 requirements:
“Una, dapat number one sa rating ang TV show mo. Pangalawa, dapat blockbuster sa takilya ang movie mo. Pangatlo, dapat nasa playlist ng radio stations ang mga kanta mo. Pang-apat, dapat sold-out ang concerts mo. Panglima, dapat maganda ang reviews ng theater/stage plays mo.
“Ang hirap, ‘di ba?
Iisa lang ang kilala ko sa showbiz na na-achieve LAHAT ito SIMULTANEOUSLY at one point in her career...
Si Nora Aunor lang.
May iba pa ba kayong kilala in this generation sa industriya natin na kayang pumantay sa achievement n’ya?
I seriously doubt it. Rest in peace, Superstar.”
Mababasa ang “Salamat, salamat,” na comment ni Lotlot de Leon.
Ex-GF, nag-unfollow na… KOBE, ‘DI MA-UNFOLLOW SI KYLINE DAHIL MAY ENDORSEMENT PA
IN-UNFOLLOW na pala ni Kyline Alcantara si Kobe Paras sa Instagram (IG), at naniniwala ang mga fans ng dalawa na ia-unfollow na rin ni Kobe si Kyline. Ito ay kapag nag-expire na ang kontrata nila bilang brand ambassadors ng Zalora.
Kapag nagtapos na ang kontrata nila, sigurado na pati ang photos nila for the said online fashion, beauty and lifestyle business ay ide-delete na rin nila.
May mga umaasa na maaayos pa nina Kyline at Kobe ang kanilang problema, kaya lang, kapag may nakisali na, nagiging messy na ang breakup.
Remember, nag-post ang mom ni Kobe na si Jackie Forster ng cryptic post na sabi ng mga fans, parang sagot sa cryptic post ni Kyline.
Sunod na nag-react ang brother ni Kyline na nilinaw lang naman na fake news ang balitang magkasama sa Bali, Indonesia sina Kyline at Kobe. Nag-comment ito sa lumabas na photo na may katabing girl si Kobe na inakalang si Kyline dahil nakahawak pa si Kobe sa waist ng babae.
Sabi ng brother ni Kyline, “‘Di ko alam na may super powers pala kapatid ko, ‘di ko naman alam na nagte-teleport pala s’ya from here to Bali. Real quick.”
Thankful ang mga fans ni Kyline na magiging busy siya sa Beauty Empire (BE), hindi raw nito masyadong maiisip si Kobe at ang nangyari sa kanilang relasyon.
Samantala, na-bash na naman si Kyline dahil sa TikTok (TT) video nitong sumasayaw sa song ni Jennie ng BlackPink na Damn Right. Pabebe raw ito at may nag-akalang parinig niya kay Kobe ang song.
Pa-tribute ni Alfred sa bida ng movie…
PIETA NI NORA, LIBRENG IPAPALABAS SA MGA SM CINEMAS
ISA ang Pieta sa mga huling pelikula na ginawa ni Nora Aunor kung saan kasama niya sa cast si Councilor Alfred Vargas na siya ring producer sa direction ni Adolf Alix, Jr..
Bilang tribute sa Superstar, nag-post si Alfred ng ilang clips ng movie at ikinuwento ang story nito.
Si Nora ay gumanap bilang si Rebecca, mom ni Isaac (Alfred) na hindi na siya maalala at makilala.
Ani Alfred, “Pieta is a story about love, family, truth, mistakes and forgiveness.”
Sinabi rin ni Alfred na ang Pieta ay mananatiling isa sa mga pinaka-special at paborito niyang pelikulang nagawa sa buong buhay niya dahil nakasama niya rito si Guy.
Pag-alala pa ni Alfred kay Nora, “The most important lesson I learned from you is that: TRUE STARS SHINE BECAUSE OF HUMILITY AND GENEROSITY IN EVERYTHING THEY DO AND WHOEVER THEY MEET. Sa ‘yo ko naramdaman ito ng sobra, Ate Guy.
“Maraming salamat dahil tinanggap mo ako sa puso mo at nagkaroon ako ng chance to work at makilala ang ONE AND ONLY SUPERSTAR that we will ever have!
“Rest in peace, Ate Guy. Mahal na mahal kita.”
Bilang tribute sa Superstar, plano ni Alfred na ipalabas ang Pieta in selected SM Cinemas nationwide.
“For free, later this year. Para mapanood ng Noranians ang isa sa mga pinakahuling obra ni Ms. Nora Aunor,” sey ni Alfred Vargas.
Comments