ni Nitz Miralles @Bida | May 4, 2024
Iba ang hatak ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) dahil number one ang Sunday show ni Jessica Soho on-air at online. Number one TV show na nga, patuloy pa ang paglaki ng online numbers ng viewers ng show across all platforms.
May 25 billion views lang naman ang KMJS sa social media at 30.6 million followers sa Facebook.
Ibig sabihin, tinalo nito si Marian Rivera na may 30 million followers sa FB? Grabee!
More than the ratings and social media numbers, hinahangaan ang KMJS sa mga featured stories every Sunday na madalas, nag-i-inspire sa viewers.
May mga reklamo rin naman dahil naging dependent daw ang KMJS sa mga trending topic, pero agad ding naaksiyunan.
Ibinalik na ang show niya sa format na minahal ng viewers, dahilan para tutukan ang show every Sunday.
Comments