top of page
Search
  • BULGAR

Maxwell, mainit sa Fuel Masters, CSB, wagi sa NCAA volley opening

ni Clyde Mariano @Sports | February 19, 2023



Nakaahon ang Phoenix Fuel Masters sa malalim na hukay at tinalo ang perrenial tail-ender Terrafima Dyip, 125-100, sa Governors Cup sa PBA 47th season sa Smart Araneta Coliseum kagabi.


Gustong makaahon sa kasalukuyang kinasasadlakan sa kartada 1-5, naglaro nang husto ang LPG Fuel Masters na outshoot at outrebounded ang Car Makers para kunin ang pangalawang panalo at palakasin ang kanilang campaign na makapasok sa quarterfinals at panatilihin ng Phoenix ang kanilang lakas sa Terrafirma.


Dinomina ng Phoenix ang laro na lumamang ng 25, 94-69, iposte ang impresibong panalo para makaahon sa lungga ng kabiguan. Ang talo ay pang-apat at bumagsak ang Car Makers sa team standings sa kartadang 3-4 sa ibaba ng Meralco 3-3.


Pinangunahan ni import Da Vaughn Maxwell ang opensiba ng Phoenix kontra Jordan Williams sa kanilang match up katuwang sina Jayson Perkins, RJ Jazul, Encho Serrano, Tyler Tio at dating North Port Sean Anthony at ibigay sa LPG Fuel Masters ang mahalagang panalo na ikinatuwa ni coach Jamikie Jarin at sabay binati ang kanyang mga players sa magandang laro na ipinakita.


Samantala, nanaig ang De La Salle-College of Saint Benilde sa unang laro at depensahan ang title retention campaign sa NCAA Season 98 women’s volleyball tournament opening kahapon.


Bumagal pa ang laro nila dahil sa ipinakitang improvement ng San Sebastian College-Recoletos mula sa paghahabol ng last season sophomore na sina Kath Santos, Kj Dionisio, Amaka Tan, at Tina Marasigan. Aminado si Benilde assistant coach Jay Chua na hindi nagpakabog ang kanyang players.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page