ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Mar. 17, 2025
Photo: Mavy at Ashley sa PBB / Circulated
Tiyak na makakahinga na nang maluwag ngayon si Carmina Villarroel dahil nakalabas na sa Bahay ni Kuya ang anak niyang si Mavy.
Naging emosyonal naman ang batang host-aktor dahil naging mga kaibigan na niya ang mga housemates. Labis na ikinalungkot ni Mavy na mahihiwalay sa nobyang si Ashley Ortega at ilang araw lang silang nagkasama sa Pinoy Big Brother (PBB) house.
Samantala, maraming viewers naman ang na-turn-off sa ginawang paghalik ni Mavy Legaspi sa kilikili ni Ashley na napanood ng marami on national television.
Sobra raw in love si Mavy sa nobya, kaya nagawa nitong halikan ang kilikili ni Ashley.
Well, wala namang magagawa ang mga viewers na nagre-react sa kilikili issue na ginawa ni Mavy Legaspi. Hindi ‘yun big deal na big deal sa anak ni Carmina.
Sa ibang ganap naman sa Bahay ni Kuya, dahil sa pagiging pasaway ni Ivana Alawi na naligo sa labas ng PBB house ay may violation siyang nilabag kaya tiyak na siya na ang kasunod ni Mavy na mae-evict sa Bahay ni Kuya.
Bahay daw muna… DERRICK, AMINADONG ‘DI PA KAYANG PAKASALAN SI ELLE
BALAK na pala ni Derrick Monasterio na pakasalan na ang nobyang si Elle Villanueva.
Mahigit dalawang taon na silang magkasintahan at maayos ang kanilang relasyon. Magkasundo sila sa maraming bagay at supportive sa kani-kanilang career at marami silang plano sa kanilang future.
Kasama sa plano nila ang mag-settle down at bumuo ng sariling pamilya. Pero 27 yrs. old pa lang ngayon si Derrick at ideal age para magpakasal at magkaroon ng pamilya ay pagtungtong niya ng 30 yrs. old.
Aminado si Derrick na hindi pa siya handang magpakasal at maging “padre de familia”. Gusto muna niyang magpundar at magpatayo ng sarili niyang bahay bago niya yayaing magpakasal si Elle.
Gusto niyang may maipagmamalaki siya sa ina nito, kaya ngayon ay nagsisipag nang husto si Derrick upang makapag-ipon at magkaroon ng matatag na showbiz career.
Kaya naman sa bago niyang project sa GMA/Viu Channel, ang SLAY na isang serye na murder-mystery, ay kakaibang karakter ang kanyang gagampanan. Kasama ni Derrick sa SLAY sina Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, Mikee Quintos at Ysabel Ortega.
NOONG kasikatan ni Sen. Lito Lapid bilang action star, maraming female stars ang na-link sa kanya tulad nina Azenith Briones at Melanie Marquez. Halos nakarelasyon na niya ang lahat ng sikat na aktres sa showbiz, kaya nagmarka siya bilang “ladies’ man”.
Napakalakas ng karisma niya sa kababaihan. Dati lang siyang stuntman sa pelikula pero sumugal sa kanya ang movie producer na si Jesse Chua dahil kinakitaan ng malaking potensiyal upang sumikat.
Pinagbida agad ni Jesse si Lito Lapid sa mga pelikula ng Mirick Films. At ang naging barometro ng kasikatan ni Lito ay nang magkasama sila sa isang pelikula ni Da King, Fernando Poe Jr. na produced ni Jesse Chua.
Halos pantay ang billing nila ni FPJ, patunay lamang na narating na ni Lito Lapid ang level ng mga sikat na action stars kaya madali siyang nakatagos sa political arena.
Minahal siya ng kanyang mga kababayan sa Pampanga. Nahalal siyang vice-gov. at governor ng lalawigan. Taong 2004 ay nahalal naman siyang senador at tumagal ang termino hanggang 2016.
At kahit hindi siya gumagawa ng pelikula, regular na napapanood sa telebisyon kasama ni Coco Martin. Una silang nagsama ng aktor-direktor sa Ang Probinsyano (AP) at hanggang sa Batang Quiapo (BQ).
Well, hindi naging madali para kay Sen. Lito Lapid ang kanyang journey bilang senador. Noong una niyang term ay nilalait at pinagtatawanan siya ng ilang beteranong senador, pero ngayon ay gamay na gamay na ni Sen. Lapid ang kanyang mga tungkulin sa Senado. Marami na siyang batas na naipanukala.
Malapit sa mga kababaihan si Sen. Lapid, lalo na sa mga seniors. Kaya naman ngayong Marso na Women’s Month, suportado niya ang lahat ng mga advocacy ng mga kababaihan.
Comments