top of page
Search
  • BULGAR

Mavy, knows mo ba ‘yan? KYLINE AT KOBE, HOLDING HANDS NA IN PUBLIC

ni Nitz Miralles @Bida  | June 28, 2024



Showbiz News

Kung dati ay soft launch ang itinawag ng mga netizens sa relasyon nina Kyline Alcantara at Kobe Paras dahil nag-date na walang kasamang photos at wine, bouquet of flowers at food lang na in-order ang ipinakita, ngayon, hard launch na raw ang ginawa ng dalawa sa kanilang relasyon.


Ito ay nang makunan sila ng video na nakatalikod at naglalakad habang holding hands. Kulang na lang daw ay may pa-sway-sway sila ng hands habang naglalakad, pero okay na sa mga netizens ang nakita nila. Darating daw ang araw na nakaharap na sila habang magka-holding hands.


Dahil sa Instagram (IG) unang napanood ang video na unang nai-post ni Oscar Brad Recabarm, IG official na raw ang dalawa. 


Hindi lang nabanggit kung saan sila spotted. Mas makukumpirma pa at magiging opisyal ang pagiging couple ng dalawa kapag dumating sila sa GMA Gala 2024 na si

Kobe ang escort o ka-date ni Kyline. 


Kung dati, sabi ng isang close kay Kyline, hindi pa sigurado ang lead actress ng Shining Inheritance series ng GMA-7 kung sino ang makaka-date sa GMA Gala, siguro naman, safe nang sabihing si Kobe ang kasama ni Kyline na rarampa sa red carpet.


May mga nega comments pa rin sa dalawa, lalo na kay Kyline at ikinukumpara siya sa ex ni Kobe Paras, pero majority, natutuwa sa kanila. Bagay daw sila at may nagpayo pa kay Kyline Alcantara na ‘wag pansinin at dedmahin ang mga bitter at naiinggit.


 

NILALAMBING ni Rita Daniela si Vice Ganda na ipagprodyus siya ng concert at si Meme Vice ang nagpaalala kay Rita tungkol dito nang mag-guest ang Kapuso singer-actress sa It’s Showtime.


Kuwento ni Vice, first time pa lang nilang nag-meet ni Rita, kinumbinse na siya nito na ipag-produce siya ng concert. Sey daw ni Rita, kunin ang number niya at i-produce siya ng concert.


“Nu’ng first guesting niya rito, pumunta siya sa dressing room, ‘Meme! Ano na ‘yung concert ko? Nagpa-practice na ako!’” ani Vice.


Sa interview kay Rita ng GMA News Online, hiningan siya ng update sa proposal niya kay Vice.


“From Meme, I’m not sure pa. Siguro baka konting lambing pa natin sa kanya, tayong netizens, ‘no? Baka talagang umabot sa part na ‘yun,” sagot ni Rita.


Ibinalita pala ni Rita na may upcoming album siya at may isa pa siyang pasabog na lalabas before Christmas. 

Ipinromote na rin ni Rita ang Widows’ War na kasama siya sa cast at premiere sa July 1.


 

THIS Friday na ang finale ng My Guardian Alien (MGA), at inaabangan ng mga viewers kung magkakaroon ng happy ending sina Carlos (Gabby Concepcion) at Grace (Marian Rivera) at kung mabubuo ba ang kanilang dream family kasama si Doy (Raphael Landicho) o kung tuluyang mawawala si Grace sa earth.


Sa Wednesday episode kasi ng series, naglaho bigla si Grace pagkatapos gamutin si Doy gamit ang kanyang power. Sa dami ng kanyang pinagaling, naubusan siya ng power na naging rason ng kanyang paglaho.


Pampamilya ang series na siguradong tinutukan ng mga anak nina Marian at Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto. Nabanggit ni Marian na kaya ito ang pinili niyang comeback series ay para mapanood ng kanyang mga anak.


Sa last taping day, malungkot ang cast na naging close sa set, at si Marian nga, niregaluhan pa ang cast at ang regalo niya kay Max Collins ay may kasama pang letter na na-appreciate naman ng aktres.


Sa pagtatapos ng MGA, ang hihintayin ng mga fans ni Marian ay ang Cinemalaya entry niyang Balota na sa August na ang screening. Si Gabby naman, back sa pagiging concert performer dahil may mga imbitasyon sa kanyang kumanta sa mga special events gaya ng mga wedding anniversary. May kasama pang sayaw ang pagkanta ni Gabby, kaya lalong natutuwa ang mga tao sa kanya.


 

TULOY ang pagpe-flex ni Sharon Cuneta sa masarap na iniluluto ng anak na si Frankie Pangilinan. Unang ifinlex ni Sharon ang adobong manok sa gata at sinundan ‘yun ng pagluluto ni Frankie nu’ng Father’s Day. 


Ang daming iniluto ni Frankie na sa photos pa lang, alam mong masarap na.

Ang latest na ifinlex ni Sharon ay ang Hainanese Chicken Rice, na twice na palang iniluto ni Frankie dahil sa kanyang request. 


Sey ni Sharon, “I requested that she cook this again tonight –as I fell in love with it when she cooked it last week! The BEST!!!”


Well, dahil sa husay magluto, may mga suggestion kay Sharon na gumawa sila ng vlog na nagluluto si Frankie. Sabi naman ng isa, sa galing magluto ng anak ay magbukas sila ng restaurant para marami ang makatikim ng iniluluto nito. May humingi naman ng recipe ng mga iniluto ni Frankie Pangilinan para kanilang gayahin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page