top of page
Search
  • BULGAR

MAVY, 'DI NAGSISISI NA MAS PINILI SI CARMINA KESA KAY KYLINE

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 10, 2024



Showbiz News

Malaki ang ipinayat ni Mavy Legaspi at slim na slim siya ngayon. Lumutang ang kanyang kapogian at medyo nagmukhang mature. 


Sa ngayon, naka-focus ang atensiyon ni Mavy sa kanyang career. Walang balita o paramdam kung aware ba siya na may bago nang pag-ibig si Kyline Alcantara. Updated ba siya sa mga kaganapan sa buhay ng babaeng dati niyang minahal? 


Tahimik na ang buhay ngayon ni Mavy at hindi nali-link sa sinumang Kapuso stars. Hindi na rin siya nagre-react sa isyu ng pagiging “mama’s boy” niya. 


Para sa kanya, ang pagiging masunurin at mapagmahal na anak ang mas mahalaga. Hindi pinagsisisihan ni Mavy na nawala si Kyline sa buhay niya at mas pinili ang kanyang mom na si Carmina Villarroel.


 

May ilang movie producers ang interesado na isapelikula ang buhay ng kontrobersiyal na mayora ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo. 


Napakakumplikado ng kanyang pagkatao dahil mayroon siyang birth certificate at

Filipino passport, gayung hindi naman siya tunay na Pinoy. 

Isang mainit na usapin ang POGO, at tiyak na may malalaking financiers na nasa likod nito. 


Labis naman na ipinagtataka ng mga netizens kung bakit masaya at maaliwalas ang aura ni Alice Guo noong siya ay dinakip at ibinalik sa Pilipinas matapos magtago sa Indonesia. 


Hindi kababakasan ng takot at pag-aalala si Alice Guo nang sumama sa mga humuli sa kanya. 


May ilang nagsabi na sakaling matuloy ang pagsasapelikula ng buhay ni Alice Guo, puwedeng kunin si Rufa Mae Quinto dahil medyo magkahawig sila. Pag-aaralan lang ni Rufa ang mahinahon na pagsasalita ni Alice Guo. Kaswal na kaswal siyang sumasagot sa mga tanong sa kanya noon ng mga senador sa Senado. 


Eh, sino naman kaya ‘yung babaeng double o look-alike ni Alice Guo na ginagamit niya para lituhin ang mga naghahanap sa kanya sa Indonesia?


 

HANGGANG New York pala ay sinamahan ni Kobe Paras si Kyline Alcantara. Siya rin ang tumayong personal na photographer ng Kapuso actress sa kanyang pag-iikot sa New York. 


Well, nakasama ni Kyline si Kobe sa kanyang pagse-celebrate ng kaarawan sa piling ng kanyang mommy na based na sa New York. 


Samantala, maraming fans ni Kyline ang natuwa dahil proud si Kobe na ipakitang kasama niya ang aktres. Kaya naman, mukhang inspired ngayon si Kyline at laging masaya kapag dumarating sa set ng Shining Inheritance (SI). 


Balik siya sa kanyang kontrabida role kahit medyo kabado at naninibago siya. Matagal-tagal na rin kasi na hindi siya nakaganap ng offbeat roles. 


Dati-rati, comfort zone niya ang pagiging kontrabida. Gayunpaman, aminado si Kyline na siya ang humiling sa GMA-7 na ibigay sa kanya ang kontrabida role sa SI.


 

ANG comedian na si Kokoy de Santos ang tinanghal na Ultimate Runner sa katatapos na Runningman PH Season 2. 


Tinalo ni Kokoy ang ibang runners na sina Mikael Daez, Miguel Tanfelix, Buboy Villar, Glaiza de Castro, Angel Guardian at Lexi Gonzales. 


Si Buboy Villar ang mahigpit na nakalaban ni Kokoy sa finale challenge na Ripping Battle. 


Ilan sa mga nag-guests sa Runningman PH Season 2 ay sina Alessandra de Rossi, Michael Sager, Jon Santos, Shaira Diaz at Bianca Umali. 


Humabol naman sa finale si Ruru Madrid, kaya naging mas masaya at exciting ang pagtatapos. 


Maraming memorable experiences ang mga runners na hindi nila malilimutan. Maraming mahihirap na challenges ang kanilang pinagdaanan.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page