top of page
Search
  • BULGAR

MAVY AT CASSY, IPINAPU-PULLOUT BILANG HOSTS SA EB!

ni Nitz Miralles @Bida | June 7, 2023




Grabe ang bashing kina Mavy at Cassy Legaspi sa pagpayag na maging parte ng Eat… Bulaga!. At hindi sapat sa mga netizens na sa Instagram ng kambal lang sila naglalabas ng kanilang galit at disappointment na makita ang mga ito sa bagong EB!, mas grabe ang mga sinasabi nila sa IG ni Carmina Villarroel.


May nagtanong pa nga rito kung naghihirap na ba sila para payagan nila ni Zoren Legaspi sina Mavy at Cassy sa EB!?


Tinawag pang desperado ang twins para tanggapin ang EB!. Parang hindi pa raw ba sapat ang mga shows nila at tinanggap pa nila na maging mga hosts ng naturang programa?


May nag-utos din kay Carmina na i-pullout niya sina Mavy at Cassy sa EB! dahil madadamay ang mga ito sa bashing at masisira ang career.


Wrong move raw ang pagpayag niyang mapasama sa EB! ang mga anak at habang hindi pa raw nakakapirma ng kontrata, i-pullout na niya ang twins.


May parang gigil pang inakusahan sina Carmina na walang respeto kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at walang delicadeza at iba pang masasamang salita.


Pero, last Tuesday, nasa EB! pa rin sina Mavy at Cassy at hindi pa rin binubura ni Carmina ang mga pambaba-bash sa kanya sa IG.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page