ni Jasmin Joy Evangelista | April 2, 2022
Makararanas ng maulap na kalangitan at panaka-nakang pag-ulan ang bansa ngayong araw, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Biyernes.
“Shearline affecting the eastern section of Northern Luzon. Easterlies affecting the eastern sections of Southern Luzon, Visayas and Mindanao,” pahayag ng Pagasa sa latest advisory nito.
Ang Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao at Ilocos Norte ay makararanas ng maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan, kulog at kidlat dala ng shearline at tail end of a cold front.
Inaasahan din ang ganitong panahon sa Caraga at Eastern Visayas dahil sa easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.
Samantala, makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers at thunderstorms ang buong Metro Manila at sa natitirang bahagi ng bansa.
Comments