ni Thea Janica Teh | November 28, 2020
Magdadala ng pag-ulan at makulimlim na panahon ang easterlies wind na nanggaling sa Pacific region sa Metro Manila at kalapit nitong lalawigan ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.
Sa inilabas na 4 am daily bulletin, makararanas din ng pag-ulan ngayong Sabado ang Eastern Visayas, Caraga at Davao region.
Ang mga ulap ay magdadala rin ng pag-ulan at kidlat sa mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora at Benguet dahil naman sa tail-end ng cold front.
Mananatili naman ang hanging amihan sa loob ng Ilocos region, Batanes at Babuyan Island. Kaya naman pinaalalahanan ng PAGASA ang lahat ng mga residente sa mga lugar na nabanggit na mag-ingat sa posibleng pagbaha at landslide dahil sa malakas na pag-ulan.
Comments