top of page
Search
BULGAR

Maulang Undas

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 1, 2023




Namataan ang isang low pressure area (LPA) ngayong Undas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagdulot ng pag-ulan sa Luzon.


Ayon sa PAGASA, ang LPA na kasalukuyang nasa bandang Caramoran, Catanduanes ay inaasahang magdadala ng ulan sa Metro Manila.


Posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mga pag-ulan.


Ang Cordillera Administrative Region, Nueva Ecija, at ang natitirang bahagi ng Cagayan Valley naman ay maaaring magkaroon ng maulap na kalangitan na may konting pag-ulan bunsod ng Amihan.


Samantala, ayon sa PAGASA, ang Visayas, Mindanao, at ang natitirang bahagi ng Mimaropa at ng Bicol Region ay maaaring makaranas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat.


Magiging mababaw naman hanggang katamtaman ang ulan patungong silangan hanggang hilagang-silangan sa ibang parte ng bansa.








0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page