ni Ambet Nabus @Let's See | December 29, 2022
Halos total snub ang inabot ng pelikulang Family Matters sa katatapos lang na MMFF 2022 Awards Night na aming dinaluhan.
Bukod-tanging ang Gatpuno Villegas Memorial Award ang nag-iisang award na nakuha nito plus apat na nominations (for Actor, Supporting Actor, Gender Sensitivity and Original Theme Song), kumpara sa ilang entries na hindi naman pinag-uusapan and yet, kaliwa't kanan ang nominations, hahaha!
Mabuti na lamang at karamihan sa mga nanalo ay 'deserving' naman.
Ikinaloka nga namin 'yung earlier buzz nu'ng dumating kami sa venue, Ateng Janiz, na diumano'y isa kina Toni Gonzaga at Ivana Alawi ang ipapanalong Best Actress daw, hahaha!
Sa dami ng magagaling na performers (they even deserve to get an ensemble acting award) sa Family Matters, maiinis ka talaga na tila inisnab sila ng jury board.
Congratulations pa rin sa mga deserving winners, lalo na si Nadine Lustre as Best Actress, Ian Veneracion as Best Actor, Mon Confiado as Supporting Actor, Dimples Romana as Supporting Actress, Mikhail Red as Best Director at sa mga movies na Deleter at Nanahimik ang Gabi.
Comments