top of page
Search
BULGAR

Matinding init, walang F2F classes — DepEd

ni Madel Moratillo | April 24, 2023




Maaari umanong masuspinde ang face-to-face classes at magsagawa ng modular distance learning dahil sa matinding init ng panahon o kawalan ng kuryente.


Ayon kay Department of Education spokesperson Atty. Michael Poa, sa isang memorandum na inisyu sa mga pampubliko at pribadong paaralan na may petsang Abril 20, nakasaad na pinaalalahanan ang pamunuan ng mga eskwelahan na mayroon silang awtoridad at responsibilidad na magsuspinde ng in-person classes at bumalik sa distance learning kung masama ang panahon o sobrang taas ng temperatura na maaaring makaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante at kanilang kalusugan.


Paliwanag ni Poa, magkakaiba ang sitwasyon sa bawat paaralan kaya ang school heads ang mas makakadetermina kung ano ang makakabuti.


Ayon sa PAGASA, pwedeng umabot pa ng 50°C ang heat index sa ibang lugar habang may ilan ang pwede pang abutin ng hanggang 56°C.


Ang Occidental Mindoro ay inilagay naman sa state of calamity dahil sa 20-hour daily power outage sa nakalipas na buwan.


Salig sa DepEd Order 37, walang automatic class suspension dahil sa kawalan ng kuryente pero nasa diskresyon ng pamunuan ng eskwelahan na magkansela ng klase kung makakaapekto ito sa pag-aaral ng mga estudyante.


Sa survey ng Alliance of Concerned Teachers, mayorya umano ng mga guro sa bansa ang nagsabi na maraming estudyante ang hirap na makapag-concentrate sa pag-aaral dahil sa matinding init ng panahon.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page