top of page
Search
BULGAR

Matatamis na salita ng mga kandidato, makabusog sana sa mahihirap

@Editorial | October 08, 2021



Nagpasaklolo na ang mga jeepney drivers sa non-stop na dagdag-presyo sa petrolyo.


Naiisip na ng ilan sa kanila na maitaas sa P12 ang minimum na pasahe mula sa P9.


Anila, ang P9 pasahe sa ngayon ay uubra lamang kung ang presyo ng diesel ay nasa P40 lamang kada litro pero, umaabot na sa P46 ang halaga ng bawat litro ngayon.


Bagama’t hirap na, hindi pa umano nila itutulak ang dagdag-pasahe dahil nauunawaan naman nila ang hirap din na pinagdaraanan ng mga commuters.


Ang nais sana ay mabigyan sila ng gobyerno ng subsidiya sa langis para ‘di mapilitang mag-fare hike. Ganundin ang mapakiusapan umano sana ng gobyerno ang mga kumpanya ng langis na magbigay ng diskuwento dahil ito umano ang pinakamabilis na paraan sa ngayon.


Ayon naman sa Department of Energy, pinag-aaralan na makapagbigay nga ng subsidiya sa sektor ng pampublikong transportasyon. Batid umano ng ahensiya na talagang hataw ang presyo ng langis.


Kaya kailangan talaga natin ng matinding diskarte kung paano haharapin ang araw-araw na pamumuhay sa gitna ng pandemya.


Sa ngayon, sobrang abala na ang marami para sa Halalan 2022. Naririnig na naman natin ang matatamis na salita na sana naman ay nakakabusog din. Ganundin ang mga pangako na ‘wag naman sanang mapako.


Nakakapagod na rin ang pulitika na makulay pero, tila nababahiran ng kasamaan ‘pag mga pulitikong ‘di karapat-dapat ang napupuwesto.


Kaya sa mga botante, galingan ang pagkilatis, huwag magpadala sa anumang pangako o kung anu-anong inaabot. Gamitan natin ng talino at konsensiya an gating pagboto.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page