ni Madel Moratillo | July 17, 2020
Nagbabala ang isang doktor sa posibilidad na mas malala ang sintomas ng covid-19 sa mga pasyenteng obese o may labis na katabaan.
Ipinaliwanag ni Mia Fojas, isang endocrinologist, na ito ay dahil mas mahirap ang pagdaloy ng hangin sa isang COVID patient na obese.
Maaari rin aniyang makaapekto sa sitwasyon ng pasyente kung ito ay mayroong mga sakit na maiuugnay sa katabaan gaya ng obstructive sleep apnea o asthma.
Nagbabala rin si Fojas na mas mahirap pagalingin ang isang obese na covid patient.
Ipinaliwanag ni Fojas na kadalasan sa mga obese ay mayroong chronic condition gaya ng hypertension o diabetes na nakapagpapalala ng kalagayan ng pasyente.
Paliwanag nito, kailangan kasing maalis ang paglapot ng dugo para mas madaling gumaling ang pasyente na karaniwang problema kung hypertensive ito.
Kaya payo ni Fojas sa publiko, kahit umiiral ang lockdown, siguruhing kumakain nang tama at maayos para iwas obesity.
Kommentare